Chapter 9

2.7K 135 13
                                    

"Angel?" Agad akong napabalik sa reyalidad nang tawagin ako ni Oliver.

"H-Huh?" nakaawang ang labi kong saad.

Matagal siyang nakatitig sa akin at napailing.
Ngumiti siya sa akin at iginaya ako papasok sa palasyo. Mabilis naman akong sumunod sa kaniya.

Sumulyap ako sa labas ng gate kung nasaan kanina si Lucas. I still want to talk about what happened to him in those 2 weeks... but I can feel that Tobias' really getting mad at him right now.

Pagkapasok namin sa palasyo ay agad akong sinalubong ni Tobias at Di-A. Mabilis na pumulupot sa aking hita si Di-A. Habang matiim naman ang pagkakatingin sa akin si Tobias.

Nauna akong napaiwas ng tingin at hindi mapigilang mapalunok sa sariling laway.

There's something in his stares that is making me uncomfortable...

"You both can stay here," malamig niyang saad at sumulyap kay Di-A na nakayakap sa aking hita.

Mas humigpit ang pagkakayakap ni Di-A sa akin at napanguso.

"Ayoko rito..." nakanguso niyang saad. Rinig ko ang malakas na pagbuntong-hininga ni Tobias, dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

Hindi ko mapigilang mapakunok dahil sa dilim ng kaniyang mukha.

"I don't take no as an answer," aniya at mabilis na naglakad papalayo. Rinig ko ang paghalakhak ni Oli sa aking tabi nang tuluyan nang makaalis si Tobias dahilan para mapatingin kami ni Di-A sa kaniya.

Nakakunot noo akong napatingin sa kaniya. Napatigil siya sa pagtawa at naiiyak pang pinalis ang munting luha sa gilid ng kaniyang mata.

"Pft—I've just heard Tobias murmured while walking away..." he coughed as he make his voice deeper, mimicking Tobias' voice. "What the fuck did I just say that, I should've let the kid go with that fucking wolf," mangiyak-ngiyak na tawa ni Oliver at napahawak pa sa kaniyang tiyan.

Napakagat ako sa ibaba ng aking labi dahil doon. Did he really just say that? Ang galing, kaya niyang makarinig nang ganoon kalayo.

Makalipas ng ilang minuto kakatawa ni Oliver ay agad siyang tumingin sa akin na para bang walang nangyari.

"By the way, Angel. Tobias don't like kids, bantayan mong mabuti si Di-A, nangangain 'yon," nakangisi niyang saad at naglakad na papalayo.

Napalunok ako dahil doon at tumingin kay Di-A. His innocent stares made me smile as I hold his hand. Mabilis kong ginulo ang kaniyang buhok at ngumiti.

"Tara sa kwarto ko," I said.

Wala namang masama na angkinin iyong kwarto na 'yon, diba?

Tahimik kaming naglalakad papasok sa palasyo at kita-kita ko ang pagkamangha ni Di-A. I can't help but to laugh. Ganito rin ba ang mukha ko nang una akong makapunta rito?

Pagkapasok na pagkapasok namin sa kwartong tinulugan ko ng ilang araw ay agad na bumitaw sa aking pagkakahawak si Di-A. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid at bakas sa mukha niya ang pagkamangha at kasiyahan.

"Just explore... you might want to stay here..." nakangiti kong saad.

Padapa akong tumalon sa kama at hindi mapigilang mapapikit nang mariin. I can't even reminisce. Everything happened so fast...

It's like my mind can't even digest what is basically happening right now.

Ramdam ko ang pag-uga ng kama sa aking tabi. Iminulat ko ang aking mata at makitang nakadapa rin si Di-A at nakapalumbabang nakatingin sa akin. He is smiling widely at me as I exchanged it with a sweet smile.

"Ayaw ko pa rin tumira dito," saad niya. Natawa ako sa kaniyang saad at kinurot ang kaniyang pisngi.

"Sigurado ka? Ba't parang nagsisimungaling ka ha?" biro ko dahilan para sumimangot siya. Natawa na lamang ako at pinisil muli ang kaniyang pisngi.

Nawala ang aking pagkakangiti nang malakas siyang napabuntong-hininga.

"What's wrong?" nag-aalala kong saad. Umayos ako sa pagkakadapa at matamang tumitig sa kaniya.

Katahimikan ang namayani nang magsalita siya.

"Alam mo bang ayaw ko sa mga bampira..." pagbabasag niya ng katahimikan.

Napabuntong-hininga ako sa kaniyang saad at dahan-dahang tumango. "Sorry, bawal na akong lumabas dito sa palasyo dahil sa pagtakas ko..." malungkot kong saad. I know that Tobias is just being protective but I have a life. And I want to enjoy it.

Pilit akong ngumiti kay Di-A.

"Don't worry, kakausapin ko si Tobias, kay Lucas ka nalang mun—"

"Ayaw," pagpuputol niya sa aking sasabihin. Napabuga ako ng hangin at ngumiti.

"Okay..." sagot ko at pumikit. Atleast I know that he's here and safe with me...

Dahan-dahan akong naalimpungatan nang makaramdam ako ng paghimas sa aking buhok. Agad na sumalubong sa akin ang malatsokolateng mga mata nito.

"T-Tobias..." inaantok kong saad. He stopped from what he's doing as his eyes darted on me.

"What are you doing here?" mahina kong saad nang mapasulyap ako kay Di-A na mahimbing na natutulog sa kabilang gilid ng kama.

"You two are not blood related..." bulong niya. Kumunot ang aking noo dahil doon.

"What do you mean?"

He silently cursed and looked away. "He's not your son... damn it, and I thought that fucking wolf is the father..." nakaiwas ang tingin niyang saad.

What?

Napatampal nalang ako ng noo sa kaniyang sinabi at umiling-iling.

"What makes you think that he's my son?" nakangiwi kong saad. Hindi ko mapigilang matawa nang mahina.

"You're overthinking." natatawa kong ani.

He looked at me and pouted. Which I find cute.

"Well, you didn't listen to me and you ran into the woods just for him... so I... thought." He sighed and cursed again.

"Nevermind," malamig niyang saad at tumayo. Humarap siya sa bintana na nasa gilid at dumungaw sa labas. The sun is slowly rising.

Oh, I overslept, the sun is rising again...

"I'm relieved..." Napatigil ako nang makita kong malaki ang ngiti ni Tobias habang nakatingin sa labas. Sa unang pagkakataon ay sumulyap sa kaniya si Tobias na mayroong matamis na ngiti na nakaplaster sa kaniyang labi.

"Now, I'm starting to like kids... or should I say... it excites me to have kids with you," nakangiti nitong saad. His brown eyes were glistening with excitement.

My heart beats wilder than ever.

Damn... It was just a genuine smile... yet it made my whole day a lot better.

Beyond the Door (Completed)Where stories live. Discover now