Chapter 11

2.4K 110 2
                                    

Tanging pagwawala lamang ni Tobias ang naririnig sa magkabilang sulok ng malaking silid.

Malakas ang kutob nila na may dumakip sa dalagang nakakapagkuntento ng kaniyang uhaw. Ang dalagang iyon ay tanging nakakapagkuntento sa kaniya at hindi niya ito kayang mawala sa kaniyang buhay.

Hindi niya kaya.

"W-We can't find her—" kinakabahang saad ng isang sundalo nang malakas na binato ni Tobias ang upuan sa gilid nito dahilan para mapaatras siya sa takot.

"—Bullshit!" pagpuputol ni Tobias at sinuntok ang pader sa kaniyang gilid. Dahilan para masira ang pader. Hingal na hingal ang binata ngunit hindi niya iyon alintana.

Agad na napaatras sa takot ang mga kawal nang makita ang mga mata nitong mapula. Walang nakabakas na kahit anong emosyon doon. Blanko at walang ekspresyon ang kaniyang mukha dahilan para mapaatras sa takot ang mga kawal.

Ngunit ramdam na ramdam ng mga bampira sa loob ng silid ang aura na bumabalot sa lalaki. Galit ito... hindi dahil sa uhaw na nararamdaman.

Galit ito dahil sa pag-aalala para sa dalagang nawawala. Hindi niya alam kung bakit nakakaya niyang kontrolin ang kaniyang uhaw ngayon. Ngunit wala na siyang ibang iniisip kundi si Angel na kanina pang umagang nawawala.

Ngayon ay mag-hahapon na. Palubog na ang araw. Ngunit kahit bakas ng buhok ng dalaga ay wala sa palasyo na ikinabaliw ni Tobias.

"Son... I already know where Angeline is..." bakas sa boses ng kaniyang ama ang pagkabahala. Marahas na napalingon si Tobias sa ama. His eyes turned more bloody red than usual.

"Where is she?" mariing saad ni Tobias.

Tumahimik ang ama at umiling. "You need to clam down, first," aniya.

Mas lalong bumagsik ang mukha ng binata. "How am I supposed to calm down when I don't know where Angel is?!" sigaw nito sa ama.

Mariing napapikit si Tobias at huminga nang malalim. Ilang minuto ay kumalma na ang binata.

Nawala ang pagkapula ng dalawang mata nito ngunit madilim ang mukha nang makamulat. Napabuntong hininga ang hari.

"It's dangerous—"

"I don't fucking care. Where is she?" mahinahong saad ni Tobias. Hindi mapigilan ng ama na mamangha sa pagkontrol ng binata sa sarili. Napahinga nang malalim ang kaniyang ama.

"Murriel, the witch—" hindi na natapos ng hari ang sasabihin nang mabilis na nawala si Tobias sa kanilang paningin. Tanging bakas lamang ng galit ng lalaki ang naiwan sa magkabilang sulok ng kwarto.

Malakas na napabuntong-hininga ang hari at tumingin sa silid na sinira ni Tobias. Lahat ng gamit doon ang sirang-sira na. Pati ang kamang malaki ay nasira nang sipain iyon ni Tobias.

"Clean this mess... and do not follow my son. He's uncontrollable," malamig na saad ng hari at agad na umalis sa silid.


Katahimikan ang namayani nang sabihin niya iyon. "Huwag kang mag-alala, ija. Kaunting dugo mo lamang ang aking kukunin," dagdag nito at lumapit sa akin. Hindi ko mapigilang mapasigaw at magwala nang lumapit siya sa akin.

"Lumayo ka sa 'kin! Huwag na huwag mo akomg hahawaka—" Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang sampalin niya ako sa aking kanang pisngi. Agad na pumaling ang aking mukha dahil sa lakas ng kaniyang pagkakasampal.

Mas lumapit siya sa akin dahilan para mapaiyak ako sa takot.

Sinubukan kong iniwas ang aking tingin nang haplusin niya ang aking pisngi. Dahilan para magsitaasan ang balahibo ko sa katawan.

"Don't touch me..." paos at naiiyak kong saad. Rinig ko ang nakakabaliw na hagikhik nito.

Napasigaw ako sa sakit nang makaramdam ako ng matinding hapdi sa aking magkabilang braso. Kitang-kita ko ang paghiwa niya sa aking magkabilang pulso gamit ang kutsilyo dahilan para dumugo ito. Hindi madiin ngunit ramdam ko ang hapdi dahil sa dahan-dahan niyang paghiwa.

Sinubukan kong magwala ngunit naunahan ako ng panghihina nang sunod-sunurin niya ang paghihiwa sa iba't-ibang parte ng aking katawan. Maliliit lang ang mga ito ngunit malalalim ang hiwa.

Kitang-kita ko pagdaloy ng aking dugo sa puting kobre kama. Ang kaninang maputing punda ay naging pula dahil sa aking dugo. Mahina akong napahikbi dahil sa sakit na nararamdaman.

If this is the end... please don't let me die in this hellhole.

Habang patagal nang patagal ay nagiging manhid ang buo kong katawan.

Tama na...

"Siguro'y tama na ito," rinig kong saad ni Murriel.

Mataman siyang tumitig sa nagdudurugo kong katawan at tumawa. "Pasensya ka na, ija. Ngunit hindi ikaw ang kaibigan ko," tawa niya.

"At sa pamamagitan ng iyong dugo at sa susunod ay makikilala mo rin siya sa susunod na ating pagkikita," aniya.

Agad niyang kinuha ang isang malaking bote na punong-puno ng aking dugo. Dere-deretso at walang lingon siyang pumunta sa isang pinto na biglang sumulpot sa kaniyang harapan.

Mabilis siyang nawala sa aking paningin at dahilan na iyon para ako'y mapasinghap. Her presence chokes me and I cannot breathe.
Napapikit ako nang mariin at pinilit ang aking sariling magsalita ngunit dahil sa panghihina ay tanging bulong lang ang aking magawa.

"H-Help..." nanghihina kong saad. I triee calling for another help but it was just like a wind passing.

Tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng aking dugo sa pulang puting kobre kama. Pati ang aking luha ay nakisama at ang mahina kong paghikbi.

Why am I experiencing all of this? This pain... this death... is this what death feels like?

Nanlalabo ang aking paningin. Dahan-dahan akong napapikit.

Nang makarinig ako ng malakas na pagbukas ng pinto. Nanghihina ngunit nagawa kong maibaling ang aking paningin doon.

Kahit nanlalabo ang aking mga paningin ay kitang-kita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng lalaking iyon. Imbes na maging pula ang malatsokolateng mga mata nito ay naging itim ito.

It turned dark... yet it sent a chill down my spine.

Maliit kong mapangiti nang makita ko ang mabibilis na paghakbang ni Tobias papalapit sa akin. I even smelled his magnificent scent from afar and a smile curled on my pale-chapped lips.

Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay ang huli kong nakita ay ang mga tsokolate nitong mata na punong-puno ng pag-aalala.

Beyond the Door (Completed)Where stories live. Discover now