Four: Gilliana

222 27 19
                                    

"Hoy, okay ka na ba babaita?" bungad na tanong sa akin ni Lea, kaibigan at kablock ko.

Kumunot ang noo ko sa pagtataka, hindi alam kung ano ang tinutukoy niya.

"Tanga ka talaga! 'Di ba inatake ka na naman nung PE? Pasalamat ka busy ako these past few days at hindi kita napagalitan!" patuloy niya.

Ramdam na ramdam ko ang inis niya sa mabilis at malakas na tono kaya naman napangiti ako at kalaunan ay natawa. Hindi makapaniwala na ganiyan siya makapagreact.

"Para kang tanga, hindi naman malala!" sabi ko kasabay ng pabirong hampas sa braso niya, "hiningal lang ako," sabi ko at agad umiling para sabihin na wala lang talaga iyon.

Hindi malala pero halos namanhid ang buong katawan ko habang tumatakbo papuntang gymnasium. Buti at hindi ako nahimatay!

"Ano ba kasing nangyari? Tsaka nakita mo ba yung kagrupo mo, alalang-alala sayo girl! Pinakaba mo ata!" sunod-sunod na sabi niya.

Tumaas ang kilay ko. I probably looked amused at her statement that's why she glared at me.

Ilang araw na ang lumipas nang mangyari iyon, natatandaan ko nga ang kaba sa mukha ni Lawrence nung panahon na 'yon... Kung hindi lang ako inaatake ng asthma baka nga napatawa ako sa pagmumukha niya.

I was struggling to get some air that time after sprinting from 5th floor of Gusaling Lacson. May meeting kami ng mga kagrupo ko para sa isang report at halos makalimutan ko na may PE pa pala ako. Nung araw ding iyon ay halos wala akong tulog dahil sa ginagawang papers sa Communication Theory kaya naman ay sobrang dali kong manghina. Mabuti na lang at may malay pa ako nang makarating sa gym at agad nakuha ang inhaler.

And then Lawrence helped me. He's the one who looked inside my bag to get me that freaking inhaler and lend me his handkerchief.

May puso namna pala si gago...

Muli kong naalala yung panyo na 'yon, araw-araw kong dala baka sakaling makasalubong ko siya para maibalik ko na. Pero agad rin akong nagtaka sa ginawa dahil pwede ko namang ibalik sa kaniya sa susunod na pagkikita PE class namin.

Pero ang hindi ko makakalimutan ay ang paghatid niya sa akin sa sakayan ng bus. Hindi naman niya kailangang gawin iyon dahil maayos na ang pakiramdam ko. But still, he insisted to accompany me until I got inside the bus. Kahit halos ipagtulakan ko siya na kaya ko ang sarili ko.

Hindi ko alam kung ginawa niya yun dahil nag-aalala siya o dahil gusto niya lang ako bwisitin hanggang sa makasakay ako ng bus.

Maybe the latter.

Kung hindi lang gago 'yung taong 'yun, baka nagustuhan ko na siya.

I stopped on my own thoughts. Anong ibig kong sabihin na magugustuhan siya? Asa!

At ang hayop na 'yon, hindi talaga lumagpas ang isang araw na hindi niya ako iniinis. Nung nakaraang nakasabay ko siya sa pagpasok ng PLM ay hindi ako tinantanan sa kakatawag ng "Marie"! Wala ring palya ang pangungulit niya sa chat na mas lalo pang nagsesend ng kung ano-anong memes kapag hindi pinapansin! Totoo ata talaga na kulang siya sa aruga.

To Win You (Pamantasan Series #2)On viuen les histories. Descobreix ara