Six: Gilliana

196 22 11
                                    

Tahimik lang kaming kumakain, walang nagsasalita at parehas nakayuko sa kaniya-kaniyang pagkain.

Nauna siyang matapos sa pagkain sa akin kaya naman nakasandal na siya at umiinom ng tubig habang ako ay nagmamadaling matapos ang kinakain. Nabulunan pa ako nang makita ko siyang nakatingin sa akin kaya naman agad kong kinuha ang tubig sa gilid ko. Agad siyang tumayo at pumunta sa may counter, pagbalik niya ay saka niya inabot ang tissue sa akin.

Hinampas-hampas ko gamit ang kaliwang kamay ang dibdib ko habang tinatakpan ng kabilang kamay ang bibig. Pilit pinipigilan na hindi maibuga ang pagkain.

"Ayan, ba't ka ba kasi nagmamadali? Gutom na gutom ka ba?"

Agad ko siyang sinamaan ng tingin bago muling uminom ng tubig. Huminga ako ng malalim hanggang sa umayos na ang pakiramdam ko.

"Tanga, ayoko kasi ng may naghihintay sa akin," sabi ko bago muling sumubo ng kanin para maubos na.

"Kalma ka lang kasi, Marie. Masyado kang nagmamadali, hihintayin naman kita."

I rolled my eyes and continue my food. Nang matapos ako kumain ay naabutan ko lang siyang nakatingin sa akin. Nataranta tuloy akong uminom ng tubig at pinunasan ang bibig gamit ang tissue. Nang matapos ay agad kong inayos ang bag ko at saka tumayo, handa na sa pag-alis.

"Mauna na ako," sabi ko at agad na tumalikod para makalabas na ng kainan.

Habang naglalakad ay naabutan niya ako kaya naman sumabay na naman siya sa gilid ko. Sandali ko siyang tiningnan habang nakakunot ang noo at nagtataka.

Ano na namang trip nitong lalaking ito? Binilisan ko ang paglalakad para maiwanan siya.

He smiled amusingly and slightly shook his head before looking in front. Sinasabayan ako gamit ang malalaki niyang hakbang.

"Hatid lang kita ulit," he simply said.

Gusto ko sanang pigilan siya ngunit alam kong hindi pa rin siya papatalo kaya hinayaan ko na. Mapapagod lang ako. I just shook my head in disapproval.

Tahimik muli kaming naglakad palabas ng Intramuros. Wala akong balak kausapin siya kaya nang muli kami nakarating sa hintayan ng bus ay wala kaming imikan. The busy streets of Manila made me at peace. Tanging ang mga tunog ng sasakyan, mausok na lansangan at ang maliliit na usapan ng mga estudyanteng naglalabasan mula sa kabilang unibersidad.

Nakatingin lang ako sa lahat ng ito habang naghihintay ng bus, kahit na araw-araw ko naman itong nasusubaybayan.

Medyo matagal ang pagdating ng bus ngayon kaya naman nangawit ako kakatayo. Umupo ako sa isang halaman sandali sa pagkainip.

"Pagod ka na? Akin na muna 'yang bag mo," seryosong sabi ni Lawrence sa akin kasabay nang paglahad niya sa akin ng kanang kamay niya.

Agad akong napadiretso ng upo at saka umiling, pilit iniiwas ang tingin sa kanya. Hinigpitan ko rin ang pagkakasuot ng backpack ko sa balikat.

To Win You (Pamantasan Series #2)Where stories live. Discover now