One: Lawrence

324 40 53
                                    

"Putangina, nakakapikon naman 'tong PE na 'to," inis na reklamo ni Mark habang nagbibihis kami ng PE uniform sa CR sa loob ng GYM.

Sama-sama kaming nagrereklamo dito pero wala kaming magawa. Maging ako rin ay naiinis dahil Social Ballroom Dance lang ang natirirang slot ng PE para ngayong semester. Walang available na mga sports na pasok sa schedule namin dahil halos lahat ay umaga o di kaya'y sobrang gabi na.

Puno na rin ang lahat ng PE na Group Exercise kaya wala kaming choice kundi sumayaw. Jazz sana kaso hindi manlang kami umabot ng bente sa class namin kaya dinissolve at pinalipat kami sa Folk Dance or ito, Social Fucking Ballroom Dance.

Taena, ayoko magcha-cha pero mas ayokong magtinikling!

Sana naman next sem, maaga maglabas ng schedule ang Mech Eng ano ho? Para maaga makapili agad ng pasok sa schedule na PE, gusto ko sana nung Basketball eh.

I shook my head, dismayed.

Pinangarap kong maging engineer, hindi maging ballroom dancer!

Nang makapagbihis kami ay umupo kami sa mga available na bench sa loob ng GYM. Ala una na at wala pa rin ang instructor samantalang sa kabilang side ay kitang-kita ang mga estudyante ng group exercise, nagsisimula nang magstretching.

May iilan ring estudyante na nakaupo malapit sa amin, baka kasama namin sa class na ito, halos lahat ay babae.

Kukunin ko sana ang cellphone ko para magML kaso may dumating na babaeng instructor. She's wearing a polo-shirt with the same color of our PE uniform, pairing it with a black jogging pants and a white adidas shoes. Her hair's in a messy ponytail showing her wrinkles under her eyeglasses. Mukhang nasa late 40s or early 50s na.

"Good afternoon, kayo yung class sa Social Ballroom Dance?" bungad niyang tanong nang makalapit sa amin.

Others nodded while some answered her 'yes'. Iminuwestra naman sa amin ng Prof na lumapit sa isang upuan malapit sa ring, doon daw kami pwepwesto.

Nagsimula siyang magpakilala sa amin nang lahat kami ay nakaupo na. Bakas pa rin sa mukha ang inis ng mga tropa ko dahil sa PE class namin.

"You can call me Ma'am Niki but for now, I'll group you randomly. Eto ang magiging grupo niyo sa buong semestre."

Nagbulungan ang mga kaklase ko, halatang hindi sang-ayon sa gusto ni ma'am. Sino nga bang gustong makipagsayaw sa mga hindi nila kilala?

"Hindi naman ako magpapapractice sa inyo ng hindi sa oras ng klase ko kaya hindi kayo mahihirapan sa iba't-ibang schedule," agad niyang awat nang magsimulang magreklamo dahil sa iba't-ibang available na oras.

Inip na inip na ako at naiinis dahil napakaarte ng mga kasection kong ito.. Hindi na lang manahimik. Baka gusto rin nilang makauno dito kahit hindi naman 'to kasama sa GWA?

Kating-kati na ako magmobile legends dahil sa boring na klaseng ito kaso pinatayo kaming lahat at hiniwalay ang babae sa lalaki. Kaonti lang kaming lalaki at mas marami ang babae kaya inuna ni ma'am ang paggroup sa mga babae.

To Win You (Pamantasan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon