Seven: Gilliana

173 24 14
                                    

"Ano ba 'yan Gilliana Marie! Ayusin mo naman!" natatawang pang-aasar ni Lawrence nang muli akong magkamali sa kamay habang sumasayaw ng Waltz.

"Manahimik ka dyan Lawrence Jake at baka tamaan ka sa akin!" inis kong sagot habang nagfofocus sa pagpapalit-palit ng kamay at pwesto ng paa.

Isa na namang nakakapagod na araw para sa Social Ballroom Dance at nagprapractice ang buong klase namin para sa final performance namin para sa semester na ito.

Buong klase, ibig sabihin ay isang waltz ang sasayawin naming lahat. Halos magsampalan na kaming lahat at magpalitan ng mukha dahil sa bilis ng beat ng tugtog at pagpapalitan ng pwesto. At kung mamalasin ka nga naman, si Lawrence ang kapartner ko na wala akong nakuha kundi ang pang-iinsulto.

Agad akong nakahinga ng maluwag nang magpalit ng kapartner sa gitnang part ng sayaw. Hindi ko namalayan na pinipigilan ko pala ang paghinga ko noong magkaharap kami nung kurimaw na iyon. Ngumiti ang kapartner kong babae at nagtatawanan kaming dalawa dahil sa pagkakamali. Nahagip naman ng tingin ko si Lawrence na may iba nang kasayaw ngayon.

Seryosong-seryoso siya sa kaharap niya pero kapag sa akin inaasar lang ako?! Bakit hindi na lang siya manahimik kapag kaharap ako? Ang gulo-gulo ng lalaking iyon!

"Sorry," natatawa kong sabi nang mapalakas ang paghila sa kamay ng lalaking kapartner ko. Halos mag-untugan kami sa mabilis na pagpalit ng pwesto.

"Sorry rin," mahinang pag-amin niya bago ngumiti at kalaunan ay natawa.

I was looking on the movement of my feet until I realized that Lawrence is back as being my partner as I smelled his manly perfume.

I gazed at him and he's now looking mad. Nakakunot ang noo at matalim ang tingin sa akin. I tilted my head a bit, still staring back at him.

Ano na namang problema nitong lalaking ito? Parang kanina ay tuwang-tuwa siyang inaasar ako, ngayon naman ay hindi maipinta ang mukha.

" 'Wag kang tumingin sa akin ng ganyan, inaano kita?" nagtataka kong tanong sa kaniya, hindi malaman kung bakit ganito ang asal.

"Wala."

Naguguluhan akong tumingin sa kaniya. Di ko talaga maintindihan mood swings nito eh, daig pa ang babae kung mag-inarte.

Hindi na ata siya nahiyang ipakita ang mga emosyon niya simula nang mag-usap kami sa strabucks.

Muli akong tumingin sa mga paa namin bago niya ako paikutin para sa pagtatapos ng sayaw. Nahagip ng mga mata ko ang pagtingin niya sa akin. Tinitigan ko rin siya pabalik, walang ekspresyon ang mukha.

He is grave, sharp eyes and lips in a thin line. Far from that playful reaction that he usually display whenever he's teasing me. Agad akong umiwas ng tingin sa pagkailang.

Unti-unting naramdaman ang malakas hangin mula sa fan at doon ko lang napansin na nag-iinit na pala ang mukha ko! I deeply sighed to relax, I am probably over reacting. But m hands says no! Ramdam ko ang madulas na pagkakahawak ng aming mga kamay sa dahil mumunting pawis mula sa'king kamay!

To Win You (Pamantasan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon