Fifteen: Gilliana

148 18 45
                                    

"Nakauwi ka na?"

Nag-aayos na ako ng higaan at naghahanda na sa pagtulog nang mabasa ang mensahe mula kay Lawrence. I stopped for a moment and let myself stare on my phone.

Hindi siya nagsasawang tanungin ako kung nakauwi na ba ako sa tuwing may pasok kami. Madalas rin sumulpot ang mga tanong niya tulad ng 'kumain ka na?', 'nasaan kayo?' o di kaya'y 'good luck sa class!'.

Minsan naiisip ko kung nakaschedule ba ang pagsend niya sa akin ng mga message. But nevertheless, he really makes me feel like he is worried about me, or at least concern about my whereabouts.

Gilliana Marie: Yup, kanina pa. Matutulog na ako.

I sent him that message before lying down.

Agad naman ang pagtunog muli ng messenger, hudyat na may panibagong mensahe.

Lawrence: Hay, buti naman. Good night Marie! Thanks for today.

I smiled after reading his reply. It also has a small red heart on the last part that made me blush.

How could that short message made my heart skip a beat?

Pinatay ko ang cellphone ko para makatulog na. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano dahil baka abutin ako ng ilang oras sa pag-iimagine ng mga bagay.

Sa pag-aakala ko ay makakatulog ako kaagad dahil sa pagod ngayong araw, pero nanatiling tumakbo sa utak ko ang reaksyon kanina ni Lawrence Jake.

His happiness is beyond the sky! Hindi ko aakalain na may igogood mood pa siya kanina. Kahit na hindi ko siya hinayaang ihatid pa ako palapit sa papa ko, naramdaman ko ang saya niya mula sa mga ngiti niya.

Ganoon pala 'yun? Kapag masaya ka, minsan ay sapat na ang ngiti kasi kahit ikaw mismo ay hindi maipaliwanag yung tuwa gamit ang mga salita. As long as I feel happy, I am happy.

And I am also delighted seeing his genuine smile.

To Win You (Pamantasan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon