Nine: Lawrence

172 21 14
                                    

"Lakasan mo ang paghagis mo sa bola, and paslide para hindi tumalbog," mahina kong turo kay Gilliana para maayos niya ang pagtira sa bola.

She did what I told her to do. Maayos ang pagkakakahagis kaya lang ay tabingi, napunta muli sa gutter.

"See, maayos yung paggulong ng bola. Now, try to control the direction of the ball."

She looked at me intently. Tumango siya at kitang-kita ko ang pagpractice niya ng kamay niya sa kung paano bibitawan ang bola.

I smiled at her. She is really willing to learn, and that's the kind of behavior that we should exhibit.

Ako naman ngayon ang titira. I stepped backward as I prepared my stance before releasing the ball. Two steps and I launched the ball, watching it slide as it hit 5 pins down.

One more ball and 1 more pin to go.

Nagawi ang tingin ko kay Gilliana Marie. Naabutan ko siyang nakatingin sa akin, nakakunot ang noo at nakanguso.

"Ang lakas ng tira pag lalaki, ang unfair! Ang bigat nitong bola!" reklamo niya bago tumayo ng diretso para magsimula na muling tumira.

Muntikan siyang masubsob na agad naman niyang napigilan. Muling napunta sa gutter ang bola.

"Tangina, I suck!" she ranted.

Tumawa ako ng malakas kaya mas lalo siyang nairita. Agad niya akong sinamaan ng tingin kaya iniwas ko agad ang mata ko sa kaniya. Unti-untimg naramdaman ang pag-init sa tainga.

I have to strike that 1 more pin.

And I need to win over you, Marie.

"Saan kayo kakain?" nakakunot kong tanong matapos ang PE class namin.

Nagtataka niya akong tiningnan bago naglakad patungo sa mga bag. Sinundan ko rin siya para kunin ang bag ko.

"Huy, Marie! Saan nga kayo kakain?" pangungulit ko habang sinusundot-sundot ang braso niya.

Nagagawa ko na siyang kulitin ngayon pagkatapos ng ilang linggo namin sa PE. Inaasar ko pa rin siya sa chat at walang araw na hindi siya pinipikon. Pakiramdam ko, mas naglelevel up naman ang closeness naming dalawa.

I wish though.

But I still don't know what to do with her.

Kung bakit ako ganito sa kaniya. Na siya lang ang kaisa-isang babaeng kinulit ko ng ganito katagal. Lalo na at sinusungitan niya lang ako!

Pero tuwing tumitingin siya sa akin o di kaya'y binibigyan ako ng atensyon, para akong sinisilaban ng apoy sa sobrang init ng batok at tainga ko! Para akong uod na binudburan ng asin kapag nirereplyan niya ako sa chat! At kapag kinakausap niya ako sa personal ay gumagaan ang pakiramdam ko...

To Win You (Pamantasan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon