Eight: Lawrence

156 18 24
                                    

Migz: Bowling kukunin kong PE. Yung Monday 7-9am.

Carlo: Ako rin Bowling!

Joshua: Ayaw niyo nung swimming? O kaya basketball?

Napabuntong hininga ako sa usapan ng tropa sa GC. Nagdedecide na silang pumili ng kukuning PE para ngayong semester dahil naibigay na ang schedule namin. Maaga nga ngayon ang pagbigay pero wala pa raw ang schedule nila Gilliana mula sa CHASS.

Gusto kong kunin ang PE na itatake niya para kahit doon lang ay magkaklase kami.

Ewan ko ba do'n sa babaeng iyon! Kahit walang ibang ginawa kundi barahin ako ay gustong-gusto ko namang asarin. Kaso kapag napikon naman ay takot na takot akong inisin siya lalo. Ginugulo niya isip ko!

Lalo na nung nakausap ko siya nung summer. Akala ko pagkatapos ko siyang inisin sa video call ay magdedeactivate ulit siya ng facebook niya, pero nagkamali ako. Simula noon ay lagi na siyang sumasagot kait araw-araw ko siya binibwisit. Madalas nga lang ay like zoned lang ako.

Pero okay na 'yun! Kaysa yung literal na seen lang o kaya inboxed zone.

Putangina, para akong patay na patay sa kaniya.

Eh hindi ko rin maintindihan, kahit sinusungitan niya lang ako palagi kahit na sinusubukan kong magtino! Napakasarap kasing gaguhin lalo na kapag nananapak na! Hindi ko tuloy maiwasang magpasalamat nung debate. Masyado akong naging gago no'n para idamay ang program niya sa sobrang inis.

Alam ko naman yun, na bawat program ay may strength and weaknesses. Kaya kong makipagsapakan sa Calculus pero nahihirapan ako sa mga paperworks lalo na pag literature. Hindi ko kakayanin ang magbasa ng napakaraming articles sa isang gabi. Pero siya, kayang-kaya niyang magbasa ng napakaraming libro o kaya literary works.

Lahat ng program mahirap, lahat ng degree dapat pinaghihirapan.

Napatigil lang ako sa pag-iisip nang may tumunog na bagong chat sa akin.

Nanlaki ang mata ko nang makita na may message si Lea sa akin. Nang buksan ko ito ay agad bumungad sa akin ang picture ng schedule nila. Kasunod ang isang message.

Lea: Monday, bowling 9-11am ang gusto ni Gilliana. Ayaw niya raw ng 7am dahil masyadong maaga.

Tangina.

Agad akong nagtype ng reply sa kaniya bago pumunta sa group chat ng tropa.

Lawrence: Gago, yung 9-11 na lang!

Migz: Pre 11:30 Advance Mathematics natin. Baka malate tayo.

Joshua: Oo nga, malayo ang KOC sa PLM pre. Magpapalit pa tayo.

Carlo: Lunch pa oy.

Nagmamadali akong magtipa ng sagot sa kanila. Kailangan nila akong damayan dito!

To Win You (Pamantasan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon