Thirteen: Gilliana

141 14 32
                                    

"Gill, may notes ka sa seminar last time?" tanong sa akin ni Lea.

Agad kumunot ang noo ko, hindi mawari kung anong seminar ang tinutukoy niya.

"Anong seminar? Marami na tayong inattendan na seminar," pagpapaalala ko sa kaniya.

Maging siya ay naguluhan sa kung anong seminar ang tinutukoy niya. Sandali siyang natulala, tila nag-iisip hanggang sa ngumiwi.

"Yung ano!!!" natataranta niyang sagot, pilit pinipiga ang utak para maalala ang tinutukoy.

I laugh at her reaction, she looks like she's going to cry out of frustration.

Itinaas ko ang isang kilay ko, hinihintay pa rin ang sagot niya.

Bahala ka dyan mag-isip.

"Yung about sa social media ethics? Di ba 'yun 'yon?" naguguluhan niyang tanong.

"Oo, yung speaker si Ate Kim? Yung dating SSC president?"

"Oo! Yun! May notes ka doon?" she exclaimed and sat down beside me.

I rummage my bag to look for my notes and opened it for her where my not-so-good penmanship are scattered.

We are now third year college student and apparently, our courses are getting harder and professors are getting more demanding as time goes by. And instead of having a normal classroom settings, Bachelor of Arts in Communication students were always called to attend seminars.

Kami na ang Bachelor of Arts in Communication Major in Seminar.

Sobrang dami rin naming recitations at reporting. Mas umonti ang courses namin ngayong taon pero sobrang daming kailangang ipasa. Akala ko pa naman ay mas magkakaroon ako ng oras para sa sarili ko, kaso kinakain ng napakaraming paper works at readings.

Gusto ko pa naman sumali sa iba't-ibang organization para naman magkaroon ako ng friends sa labas ng College of Humanities and Social Sciences.

Nakita ko ang dahan-dahang paglalakad ni Lawrence sa likod ni Lea, mukhang pagtritripan na naman siguro.

Sa ilang taong pagsunod-sunod sa akin nitong lalalking ito, si Lea ang lagi niyang ginagawang subject sa mga kalokohan niya. Eh hindi niya naman ako maasar, papaulanan ko lang siya ng mura.

"Hoy!"

"Ay, putangina!"

Napangiti ako nang makita ang gulat na itsura ni Lea nang biglang sumigaw si Lawrence sa likod niya. Muntikan siyangg malaglag sa inuupuan niya, samantalang ang kurimaw ay tuwang-tuwa sa kagaguhang ginawa.

Mabilaukan ka sana kakatawa.

Lumapit siya muli kay Lea, tinitingnan ang ipinahiram kong notebook kung saan nakalagay ang mga notes ko sa bawat seminar na inaattendan.

To Win You (Pamantasan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon