2-12 || The Minion is BACK--la

Start from the beginning
                                    

Napaupo nalang ulit si Karylle dahil nakaramdam ng kaba at takot na baka anong gawin sa kanila ni Yael. Natatakot siya na baka pagkagising niya may isang wala na sa tabi niya, na mamaya may gawing masama ang dating nobyo. Mahigit sampung taon na niyang kinalimutan si Yael, wala siyang ka alam alam kung ano nanaman ang kailangan nito at bigla bigla nalang babalik sa buhay nila lalo na't ngayon ay may pamilya na siya.

"N-natatakot ko, Vice." Nanginginig na sambit ni Karylle.

Marahang tumabi sa kanya ang asawa at masuyo siyang niyakap. Nakapatong ang baba ni Vice sa ulo ni Karylle habang yakap yakap ito at hinalikan ang tuktok ng ulo ng asawa.

"Don't be, nandito lang naman ako. Hindi ko kayo pababayaan." Seryosong sambit ni Vice sa asawa habang hinahawi ang buhok nito bago punasan ang mga luhang pumatak sa pisngi ni Karylle.

"Are you both done? I'm hungry..." Singit ng isang batang lalaki mula sa hagdan na kanina pa pala nakikinig.

"Nakikinig ka pala, Peter? Kanina ka pa dyan?" Tanong ni Vice.

"Yup, don't worry. I won't tell, but uhh, I don't know who's that minion you're calling.. Mama I'm hungry." Daing nito habang hinihimas ang tyan. Kumalas muna sa pagkakayakap si Karylle upang ipag handa ng almusal ang anak at ialis muna sa isipian ang kanilang problema.

🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻

"Bakit ba parang nagalit ka pa sakin matapos yung gabing 'yun? Galit ka ba? Ano bang ginawa ko sayo?" Sunod sunod na tanong ni.. Harry kay Kylie habang naglalakad sila sa loob ng building papuntang elevator upang pumunta sa 14th floor.

"No, hindi ako galit. Umiwas lang ako." Payak na sagot nito saka pinindot ang floor ng elevator.

Bumisita ang binatang si Harry sa dalaga upang komprontahin ito. Upang malaman niya rin kung bakit ilang araw na itong hindi siya pinapansin sa tawag, calls, o kahit ano pa.

"Bakit ka nga ba umiiwas? Did I do somethin' wrong?"

"No, natatakot lang ako that time na baka sabihin mo kina Dad ang nangyari. Natatakot ako na baka masali ka pa sa gulo, natatakot akong madamay ko pa." Nakatungong sambit ng dalaga.

"Wala akong pake kung madamay pa ako dyan, kulang na nga lang patayin ko na 'yun eh, can't you see kung anong ginawa niya sayo? You're being raped! And what's the big deal at ayaw mong ipaalam kila Tito Vice? As soon as possible kailangan mo nang sabihin sa kanila! Baka mas lalo pang gumulo at balikan ka uli ng Yael na 'yun. Kung hindi mo sasabihin, much better kung ako nala--"

"No need, nasabi ko na. Thank you nalang... And, I'm sorry, s-salamat sa mga pinapadala mo. You know what? Na-aappreciate ko naman yun." Nakangiting sinabi ng dalaga at finally, tumingin narin mata sa mata.

"S-so... S-sinasagot mo na ko?" Nanlalaking matang tanong ni Harry na excited na excited.

"Duh, of course not."

Ting!

Nakalabas narin sila ng elevator at nakabuntot parin ang binata habang patungo sila sa office ni Kylie.

"P-pero, may chance?" Nahihiyang tanong ni Harry nang makapasok sila sa malaking office ng dalaga. Naupo si Kylie sa kanyang upuan at inilapag ang mga folders na dala niya.

"I don't know. Kilala mo ko, umamin na nga ako di'ba? Pareho tayo ng gusto. Gusto ko rin ng babae, in short. I'm a lesbian... There's no chance... Unless! You'll change me," nakangising sinabi ng dalaga na parang hinahamon si Harry,

Nang Dahil sa Wattpad|| VicerylleWhere stories live. Discover now