"Nga pala Sasherie paano mo naman naging crush si--" di ko na natuloy ang bulong ko sa kanya ng bigla syang tumayo.

"Kailangan mo ng magpahinga ate Geyle! Hatid na kita sa kwarto mo" alanganing ngiti nya sabay hila hila sakin. Ang tingin naman nila Abi at Kathleen ay iba, lalapitan na sana nila kami na parang ready na makipagsabunutan ng magsalita ako.

"Magkwentuhan muna kayo dyan. Aalagaan naman ako ni Sasherie eh" sabi ko. Nakita ko namang napangiti so Sasherie. Nang makapunta na kami sa room ko ay nagsimula na syang mag kwento.

"Kasi ate nung pagkaligtas ko sa kanila at pagtanggal ko ng tali nya, bigla nya kong ngitian grabe nakakakilig. Alam mo yung mas kinilig pako sa kanya kesa kay kuya Wane" alis na sabi nya. Naaaliw naman din akong nakatingin sa kanya dahil wala nakong karibal kay Wane.

"Tapos naghiwalay kami. Sabi ni Kuya Ghreiy na pupuntahan nya daw yung ma'am nyo para humingi ng tulong tapos sasamahan ko daw sya kasi baka mapahamak daw ako kela kuya" halos mag heart ang mga mata nya sa kilig. Wow iba den ang tama neto kay Ghreiy ahh.

"Syempre kinilig ako kasi yieeee ayaw nya kong mapahamak hihihi. Tapos sya yung nagsusuntok sa mga kalaban habang palabas kami ng building na yun. Sabi nya sa likod nya lang daw ako at poprotektahan nya ko. Tapos hinawakan nya pa ang kamay ko habang tumatakbo kami. NAKAKAKILIG DIBA ATEEE!!" natatawang sabi nya. Wow parang mas nakakakilig pa yung nangyari sa kanila kesa samin. Hay nako Wane kelan ka ba magpopropose charot! Bata pako hahaha.

"Ate Geyle di mo naman sinabing may poging kang kaibigan na tulad ni kuya Ghreiy di sana matagal na tayong naging besties" masayang sabi nya. Alanganin akong ngumiti. Di ko kasi alam kung plastik ba pinapakita neto o hindi.

"Ate Geyle sorry nga pala sa pagmamaldita ko sainyo lalo na sayo. Masyado kasi akong obsessed kay kuya Wane noon eh" malungkot na sabi nya. Mukha namang sincere kaya ngumiti ako sa kanya ng totoo.

"Ano ka ba wala yun" sabi ko sa kanya.

"Ate Geyle pwede po ba tayo maging sisters? Si Ate Gladice kasi masyadong snobber eh" sabi nya. Oo nga pala may kapatid pa pala sila David. Si Gladice yung dikit ng dikit kay Sam noon sa resort. Kaya pala parang may kahawig sya si Sasherie pala yun.

"Mhhhh pwede naman" kunwaring nag iisip na sabi ko.

"Yeheyy!!" sabi nya at niyakap ako bigla. Napatigil kami pareho ng tumawag si Kuya saakin.

[Geyle? Kamusta na kayo jan ayos lang ba kayo? Sorry ha di ako makakapunta jan. Wala kasi ako sa Pilipinas para puntahan kayo eh] nag aalalang sabi ni Kuya Gyoshi.

"Ayus lang kami ni Wane kuya wag mo na muna kaming aalahanin. Isipin mo nalang yang business nyo sa Japan para mabayaran na natin ang mga utang natin" sabi ko naman sa kanya. Nagdodoble kayod kasi sila dad chaka kuya para mabayaran agad ang mga utang namin sa kumpanya at di na madagdagan pa kaya super busy sila.

[Thanks sis. Nga pala next next week magkakaroon ng dinner ang Franco Family at ang Sandoval Family. Wag nyong kakalimutan yun ah] paalala nya naman sakin.

"Sige kuya sasabihan ko nalang si Wane" sabi ko at binabaan na.

"May date kayo ni Kuya Wane nohhh" pang iinis ni Sasherie.

"Dinner ng family namin yun noh" pagpipilit ko sa kanya. Tumawa naman sya. Maya maya pumasok sila Abi, Kathleen at David.

"Sasherie alikana umuwi na tayo at makapagpahinga kana" sabi ni David.

"Bye ate Geyle" nakangiting sabi ni Sasherie habang nagwawave. Nagwaveback nalang ako at ngumiti. Mga itsura naman ng mga kasama ko parang tanga.

"Ano yun bati na kayo?" gulat na tanong ni Kathleen.

I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]Where stories live. Discover now