Chapter 26 Longing

1K 27 2
                                    

Chapter 26

Longing

Pinagsisihan ko ata sa mga sumunod na araw na niyaya ko sa office si Damian. Maghapon kaming magkasama doon at hindi ako makapag concentrate. Pilit ko nang kinakalma ang sarili at pinipilit isik isik na ayos lang at hindi ako naaapektuhan pero hindi naman siya madali.

I looked away as I saw his grin when he caught me looking. I sighed and pretended that it was nothing and just normal. I can feel my jaw clenching as I greeted my teeth to stop myself for any reaction. Sa huli ay tumayo ako at lumingon agad siya sa akin.

"Kukuha ako ng coffee. You want?" normal kong sabi at tinaasan siya nang kilay.

Pinilit naman siyang nagseryoso bago sumagot. "Ako na kukuha."

Agad akong umiling at nagtuloy na palabas.

"Ako na. Diyan ka na."

Hindi ko na siya hinintay at lumabas na ako. Tinungo ko ang pantry at naghanap nang coffee doon. Napahinga ako nang malalim habang nandoon.

"Pagod?" Karl, from operations, asked me.

Hindi pa ako ganoon kapamilyar sa kanila dahil sa Germany nga ako based noon but I'm coping up well.

"Hindi naman na. Nakauwi na si Kuya..."

Kumuha naman siya nang baso at naghanda para kumuha nang kape. Napatingin ako sa kaniya. He looks older than me. Well, bata pa naman kasi ako kaya halos lahat nang ka workmate ko ay matanda sa akin.

He has a dark hair, longer than usual. Matanggad din siya sa akin pero hindi naman sobra. Lean and muscular body suited his age, I guess. Sa nagdaang araw na nakikita ko siya dito, mukha naman siyang mabait.

"You'll attend tomorrow?" he asked.

Bahagya pa akong naguluhan doon. Napatigil ako sa paghalo noong akin at tumingin sa kaniya. Natatawa naman siyang tumingin sa akin.

"Yung party. Nang mga employees?" paalala niya.

Oh right! Bukas na pala iyon? Napagkasunduan nang mga employees na mag karoon nang celebration bukas, request nila iyon dahil nga marami ang bago at para mas maging close daw ang lahat.

"Oo nga pala." I said slowly. "Nakalimutan ko." Dugtong ko pa na ikinatawa na niya.

Wala pa akong isusuot! Great. Kasalanan talaga ito ni Kuya dahil ang dami niyang iniwan na trabaho sa akin. Halos pang office naman iyong damit na dala ko dito kaya wala akong isusuot bukas.

Hindi naman formal iyon, sa The Penthouse gagawin but I can't think of anything to wear when I think of my closet.

"Busy ka nga." Natatawa niyang sagot kaya napangiti nadin ako.

"Aisa."

Napalingon ako sa pinto nang maring ang seryoso at baritonong boses na iyon.

There I saw Damian standing by the door almost leaning. Nakakunot na ang noo niya hindi katulad kanina na parang good mood. Nakatingin siya sa akin na para bang may masama akong ginawa.

I looked at Karl who looked puzzle as he looks at me. Bahagya naman akong ngumiti at kinuha na iyong dalawang baso nang kape. Nabaling ang tingin ko kay Damian nang kinuha niya iyon sa kamay ko, kunot na kunot ang noo.

"Mauna na ako, Karl." Awkward kong sabi at ngumiti nang bahagya.

Tinalikuran ako ni Damian at nauna na. Problema naman kaya nito? Ako ang nagbukas nang pinto dahil sa hawak niya kahit wala naman siyang sinabi. Masungit niya naman akong tiningnan. Hindi ko na pinansin at pumasok na.

Guns and Kisses (Macimilian Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang