Chapter 9 Mad

1.1K 42 16
                                    


Chapter 9

Mad

Last night ended pretty well. Hinintay lang akong kumain ni Damian at umalis na din siya. Hindi ko alam ang mararamdaman doon kaya pinagsawalang bahala ko nalang.

Kung magtatanong kasi ako, mababaliw ako kapag hindi ako nakahanap ng sagot. Bakit siya ganoon? Bakit niya ginagawa iyon? Ganoon ba siya sa friends niya? See? Saan ako kukuha ng sagot? Huwag ko nalang isipin!

The next day ay fiesta na doon. Nang maghapon ay nagsimula na akong mag ayos para pumunta. I took long-time bathing and picking what to wear.

I wore a slim fit ditsy black, floral dress. It's a tube-type but has a very thin strap. Umabot iyon hanggang kalahati ng hita ko. I looked at the mirror and saw how the dress hugs my body tightly. Buti nalang ay hindi naman lumaki ang tyan ko dahil sa taba. Wala kasi akong ginawa dito kundi kumain at matulog so nag w'worry talaga ako.

I should exercise.

I dried my hair and curl its tips a little more saka ko iyon sinakop at pinusod. I looked so neat and clean. Naglagay lang ako ng tint at inayos na iyong purse ko. I wore my white sneakers para hindi ako masyadong pormal na tingnan. It looks cute though.

Medyo madilim na kaya nagdesisyon akong lumbas na at pumunta kila Jennie. Hindi ko maiwasang isipin kung pupunta ba doon si Damian dahil hindi naman niya nabanggit kagabi. Mukhang wala rin siya sa bahay niya.

"Hindi talaga papatalo ang isang ito! Ang sexy!" bungad sa akin ni Lisa.

Inirapan ko naman siya dahil doon. Hindi ko alam kung inuuto ba ako nito o ano.

"You're not so bad yourself," I sarcastically said that made her laugh.

Nakasoot din siya ng dress. Kulay navy blue, flounce cold shoulder dress. It looks good on her actually. Ngayon ko nga lang siya nakitang magdress.

"Gusto mo bang manalo ng face of the night?" singit ni Jennie pagkalabas ng bahay.

She's wearing a fitted black cropped top and a white fitted skirt. Umiling naman ako sa kaniya at kunwari ay naiinis na.

"Face of the what? I don't even know na may ganyan." Sabi ko nalang.

"Whatever Aisa. I'm sure ikaw ang pagtitinginan doon. I hope hindi na naman bida bida si Sarah." She said in her mataray tone.

Nagsimula na kaming maglakad at nagsisimula naring magrant itong dalawang ito.

"Taon taon ata grabe effort noon sa fiesta para manalo. Kakainis!" Lisa hissed.

Hindi ko talaga alam kung bakit galit na galit sila doon. Sarah has actually a nice face. Ah, oo nga pala medyo friendly siya lalo na sa gwapo dahil naalala ko noon na gusto niyang makipagkaibigan kay Damian.

"Ang hilig magpapansin!" Gatong naman ni Jennie.

I can't help but smile and giggle at their rants.

"She's a bit friendly. Nilapitan noon si Damian noong nasa school tayo..." sabi ko para lang makasali sa usapan nila.

Sabay naman silang lumingon na parang bigla nilang naalala iyon.

"Tama! Grabe! Gigil ako noon ha." Nanlalaki pa ang mata ni Jennie.

"Buti nalang sa isa lang nakatingin si Damian!" sabi ni Lisa kaya napanguso ako.

Nangaasar ba siya o ano? Napansin kong pinagmamasdan nila ang reaksyon ko pero wala akong sinabi. Nagtagal pa ang tingin nila kaya umikot na ang mata ko. Parehas silang natawa.

Guns and Kisses (Macimilian Series #1)Where stories live. Discover now