Chapter 14 Jealous

1.1K 38 5
                                    

Chapter 14

Jealous

"Grabe Aisa! Yung gulat ko noon, kung pwede lang lumuwa ng literal yung mata nangyari na!" Sabi ni Jennie habang naglalakad kami papuntang palengke.

Wala akong ginagawa ngayon at ubos nadin iyong stock ko sa bahay kaya naisipan kong magpasama sa kanila. Sakto, may bibilhin din naman daw sila dito.

"Hindi malaman ni Jennie kung ano ang unang sasabihin sa akin nang makabalik sila ni Nanay sa bahay!" si Lisa naman ang may sabi.

Napailing nalang ako. Ngayon, tanong sila ng tanong tungkol sa amin ni Damian na kahit ako nga walang sagot? It's been days noong bumalik iyon sa Manila and hanggang ngayon hindi ko makalimutan na hinalikan niya ako!

"Uy namumula si Aisa!" tukso sa akin ni Jennie kaya umiwas ako ng tingin.

"Wala nga iyon. We're friends may tinanong lang ako."

"Hindi kami bata para maniwala diyan! Hindi mo pa nga damit iyong soot mo? My gosh iniisip ko palang ang ginagawa niyo hindi ko na kinakaya." Sabi ni Lisa na parang kinikilig.

"Ano Aisa? Magaling ba?" singit ni Jennie at halos ibaon ko ang mukha sa buhangin!

"What? Ano bang sinasabi niyo!" sigaw ko sa kanila at bahagyang lumayo.

Pinilit kong kumalma at magsawalang bahala. Magaling? What? Saan? Pinigilan ko ang sarili na isipin ang iniisip nila. Masyadong madumi ang utak ng mga ito! They are bad influence!

Narinig ko ang patuloy nilang tawa hanggang sa malapit na kami sa palengke. I groaned when they didn't stop teasing me.

"Friends lang talaga kami! And stop with what you're thinking walang ganoon!" hindi ko napigilang sabi.

"Hindi kayo nagkiss?" Lisa asked while looking straight at me.

That caught me off guard and I stiff a little. Naalala ko iyong kiss! It was so gentle and tender that it didn't leave my mind until now!

"See?" Lisa exclaimed. "Hindi lang kayo friends!"

"No! We didn't kiss!" I cursed. "Tigilan niyo ako!" hirap na hirap ko nang sabi.

Hindi naman sila tumigil kakatawa at kantyaw sa akin. Hindi ko nalang pinansin. Kapag naiisip ko ang halik na iyon, parang dumodoble lang ang nararamdaman ko sa kaniya. It makes my heart go wild and I never felt like this before!

I never really had a serious relationship, hanggang dating lang lagi. It never worked out but there are no hard feelings. It's also not my first kissed! But why am I feeling this way! But sure, no one kissed me like that! Oh gosh, I should stop thinking about it.

We bought some meat and vegetables. Halos kakilala lang ni Lisa iyong mga nagtitinda kaya mabilis lang kaming nakabili.

"Pero Aisa, mag t'two months ka na dito ah. Hindi ka ba pupunta ng Manila?" tanong sa akin ni Jennie pabalik.

Napaisip naman ako. Dapat ay one month lang ako dito. Nagawa ko naman iyong pinunta ko dito pero hindi ko alam bakit nandito pa ako. O alam ko kaya mas lalo kong ayaw umalis. Ang alam nila I'd stay here for a month and find a job in Manila. That's not true, though.

"Aalis na din ako, baka next week." Sagot ko kahit hindi naman talaga ako sigurado.

Parang nagulat naman sila kahit expected nila na hindi naman ako magtatagl dito.

"Mamimiss ka namin!" Lisa said.

Malungkot naman akong napangiti. Mamamiss ko din sila. Mamimis ko dito, lahat.

Guns and Kisses (Macimilian Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon