Chapter 7 Friends

1.1K 39 7
                                    

Chapter 7

Friends

I didn't do much in the next few days. Abala sila Jennie at Lisa sa fiesta kaya wala rin akong nakausap masyado. I stayed in the house and I just watch TV. Nang dumating ang Friday ay naexcite na ako dahil ngayon ang dating nila Maeve.

Naghalughog ako ng pagkain sa refrigerator para may maluto. I woke up early for that because I need to research what to cook and how to cook it. Nilabas ko lahat ng pwedeng magamit at sinimulan na iyon.

I decided to cook beef broccoli and carbonara. Ayos na iyon dahil dalawa lang naman sila. Isa pa, dapat matuwa sila dahil nag e'effort ako. I research what's the step in cooking it and I find it a little hard.

Napabuntong hininga nalang ako pinagpatuloy na. Bahala na. Kung hindi nila magustuhan, bahala sila. Niluto ko iyong rice habang hinihintay na lumambot iyong beef, good thing, may rice cooker.

I spent almost two hours cooking... or hindi lang. Hindi ko na napansin. Nang magtext sa akin si Maeve na malapit na sila ay naligo ako at nagbihis na. I wore a red flounce hem off-shoulder dress. Sinuot ko rin iyong kwintas na soot ko noong umalis.

"Aisa!"

Hindi ko pa natatapos ayusin ang buhok ay tumakbo na agad akong palabas. There, smiling while arms crossing over her chest is my best friend. She kind of hide her smile as I took a look at her from head to toe.

From her white sneakers, faded ripped jeans, and black tube top with three front buttons, I hugged her immediately. "I missed you!" hindi ko napigilang sigaw.

Tumawa naman siya sa akin at ginanti ang yakap. "I missed you..." mabagal at makahulugan niyang sinabi. I withdrew from the hug and looked at her. I feel like tearing up!

She's like a family to me and now seeing a family makes me so emotional! Huminga ako ng malalim at umiling. "Naiiyak ako Aisa huwag mo kong tingnan ng ganyan!" sabi niya sa akin.

Lalo lang akong naiyak dahil doon, "Namiss talaga kita! I am so lonely for the past weeks!" naiiyak na sabi ko. Hinila naman niya ulit ako at niyakap.

We are savoring the moment when someone speaks up, "Do I get a hug too?" I looked only to see Leonel carrying some leather bags and paper bags. I smiled at him.

"Leonel!" humakbang ako at inilahad naman niya ang braso sa akin pagkababa nang mga dala niya. "Mas lalo ka atang tumangkad?" sabi ko at kumalas sa yakap niya. Natawa naman siya sa akin.

"You didn't tell me you'll be back," bungad niya sa akin kaya napairap ako.

"I didn't tell anyone." Sabi ko nalang sa kaniya. Only Maeve knows the truth about my stay in here, "Walang nakakaalam kaya huwag kang madaldal ha!"

I heard Maeve laughed at sinimangutan lang ako ng kaharap ko.

"Huwag kang magalala Aisa, na'briefing ko na iyan!" Maeve told me. Tumango naman ako doon. Hindi ko alam kung anong palusot ang sinabi ni Maeve dito at naniwala naman. Hinila ko naman na sila sa kitchen pagkatapos.

"You cooked?" halos hindi makapaniwalang tanong ni Maeve. I shrugged at her and smiled. "Nakakabuti ata ang punta mo dito! Huwag ka nang umalis!" malakas na sabi niya.

Now the house looks alive. Sa ingay at daldal niya ay buhay na buhay ang buong kabahayan. Umupo ako sa counter top at pinagmasdan siyang tingnan iyong pagkain. Ganoon din naman ang ginawa ni Leonel.

"Hindi naman siguro kami malalason dito, 'no?" my only guy friend, asked. Gusto ko siyang sabunutan doon.

"Sige itry mo. Kapag nalason ka at namatay, sagot ko na libing." Naiinis na sabi ko na ikinatawa niya. Hindi na niya ako sinagot at siya na ang kumuha ng pinggan para sa amin.

Guns and Kisses (Macimilian Series #1)Where stories live. Discover now