Chapter 17 Need

897 29 1
                                    

Chapter 17

Need

Madilim pa nang maalimpungatan ako. Napaupo ako kaagad. May nakabalot na kumot sa akin ngunit hindi ko naman matandaan na kumuha ako noon. Naramdaman ko ang hapdi ng aking mata at naalala ang nangyari kahapon.

Muling naginit ang gilid ng mata ko at agad akong napahawak sa aking mukha. I sighed heavily and reached for my wallet and phone on the coffee table. Good thing I have cash and my card with me.

Agad akong tumayo at naglakad palabas ng bahay. Mabigat ang paghinga ko habang naglalakad palabas. Ang pangumagang hangin ay sumalubong sa akin. I tried to closed my eyes to control my tears. Hindi ako pwedeng bumalik sa bahay dahil baka mamaya ay may tao doon. Or may iniwan silang something na makikita nila pagdumating ako.

Mabuti na ang magingat. I walk slowly on the shore. Ang mga lamp post ang nagbigay ng ilaw sa daanan. Kailangan kong makarating sa terminal ng tricycle kahit hindi ko alam kung saan naman ako pupunta.

Dumaan ako sa may palengke at agad kong natagpuan si Manang Tess doon. She looked at me curiously. Nang mapagmasdan ako ay agad siyang nagalala.

"Hija, anong nangyari?" nagaalalang tanong niya at umalis pa sa pwesto niya upang malapitan ako.

Gusto kong umiyak ulit pero pinigilan ko ang sarili. Walang lakas akong umiling at ngumiti sa kaniya. Marahil ay nakita niya ang pamamaga ng mata ko.

"Manang," I tried hard not to stammer. "Kung may maghahanap po sa akin ay sabihin ninyong hindi niyo ako nakita..."

"Ano? Bakit? Ano bang nangyari?"

"Pasensya na Manang." My voice broke at the last word. Huminga ako ng malalim at umiling. "Please po. Kung may maghanap ay sabihin ninyong hindi niyo ako nakita."

Kumunot ang noo niya at lalo akong pinagmasdan ng may pagaalala.

"Hindi ko maintindihan." Sabi niya sa isang mahinahon at nakakaalu na boses.

"Lalo na po si Damian. Huwag niyo pong sasabihin na nakita ninyo ako." Tumulo ang luha ko sa pagbanggit ng pangalan niya.

Hindi ko napigilan at agad kong iwinaksi iyon. Hinawakan naman ako ni Manang sa braso kahit na gulong gulo siya sa ikinikilos ko.

"Nagaway ba kayo?" iling lang ang naisagot ko sa kaniya dahil abala ako sa pagpupunas ng luha. "Alam kong nagkakamabutihan kayo... pagusapan ninyo ito."

Napahikbi ako at kusa namang yumakap sa akin si Manang. Kung pwede lang. Kung pwede lang idaan itong lahat sa paguusap. Lumayo ako at pinunasan ulit ang aking luha.

"Sorry Manang. Please po, huwag niyo hong sasabihin. Pasensya na po talaga. Aalis na po ako."

"Saan ka naman pupunta?" nagaalalang tanong niya at ayaw parin akong pakawalan.

"Hindi ko po alam. Basta Manang..." hindi ko na matuloy ang sinasabi.

Nang lumuwag ang hawak niya ay tumalikod na ako at naglakad paalis. Nang makarating sa terminal ay hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. May iilan lang na tricycle doon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta at sinong tatawagan ko.

It'll be dangerous if I call Kuya right now. Tingin ko ay wala siyang alam na nahanap na kung nasaan ako dahil kung mayroon ay sasabihan ako noon. Delikado kung luluwas ako ng Maynila papunta kay Maeve. Sa kaniya iyong bahay na tinutuluyan ko at alam na ni Daddy iyon.

Sigurado akong nagmamanman iyon ngayon. Pati ang ginamit kong pangalan ay alam na niya dahil natagpuan na niya ako. Kaya kung kukuha ako ng flight pa ibang bansa ay malalaman niya agad.

Guns and Kisses (Macimilian Series #1)Where stories live. Discover now