Chapter 29 Damn

1K 30 6
                                    

Chapter 29

Damn

Nang makabalik sa bahay ay agad akong pumasok doon. Kinalma ko ang sarili at hinanap si Kuya. Nakita ko ang sasakyan niya sa labas at nasisiguro kong nandito siya. Aakyatin ko na sana ang kwarto nang makita siya sa lanai.

Agad ko iyong tinungo. May kausap siya sa cellphone nang malingunan ako.

"I'll call you back," he said before turning to me.

Pinagmasdan niya pa muna ako bagao nagsalita. I probably looked like a mess right now. Hindi ako natigil kakaiyak habang nagmamaneho.

"What happened?" he asked.

Agad akong umupo sa tabi niya habang pinangingilidan na naman nang luha.

"Kuya." I called and he immediately shifts in his seat. "Ayaw ko na noon..."

Nagunot ang kanyang noo at hinawakan ako sa braso.

"What?"

"Iyong bodyguard, tanggalin mo na iyon, ayaw ko na noon." Sabi ko habang umiiling.

Nagtataka siyang nakatingin sa akin, hindi ako maintindihan.

"Umiiyak ka dahil doon?" hindi makapaniwala niyang tanong.

Napahikbi na ako. Nataranta naman siya at hindi alam kung saan ako hahawakan.

"Ganyan mo ka ayaw sa bodyguard Aisa?"

Umiling ako at tningnan siya nang may galit sa mata. Kung sana kasi hindi na siya kumaha! O kaya iba nalang!

"Hindi! Ayaw ko siya! Ayoko d-doon!" iyak ko na.

Napabuntong hininga na siya dahil hindi na ako maintindihan. My heart hurts so bad. Hinila ko pa iyong sleeves nang polo niya.

"What do you mean?" parang nahihirapan niyang tanong.

"That guy! Damian! Does he look like a bodyguard? Siya iyon, Kuya! Paalisin mo na!"

"I don't understand..."

"Iyong iniwan ko dito? Yung sabi mo niloko ako?! Siya 'yon Kuya!" parang nagmamakaawa paako ngayon sa harap niya.

Tulo nang tulo ang luha ko at napapahikbi pa ako. I saw the shock on his face. Hindi nakapagsalita.

"Mag reresign na ako kung hindi mo iyon tatanggalin! Hindi na ako aalis dito sa b-bahay!"

He sighed and tried to calm me down.

"Please, calm down... let's talk properly..."

"No! Just tell me you'll fired him! Hindi iyon kawawa! Siya may ari noong security company na iyon Kuya!" feeling ko rinig sa buong bahay ang frustrations ko.

He sighed again. Hinahagilap ang siko ko at pilit akong pinapatahan.

"Kuya!"

"Fine, fine. Please, calm down. Tatanggalin ko na."

Napahawak na ako sa aking mukha sa kakaiyak.

"Giovanni, what did you do?" I heard my Mom's voice raised.

Hindi ko na matingnan.

"Mom, nothing! Siya itong umiiyak."

"Why would she cry if you didn't do something?"

Naramdaman ko ang pagupo nito sa aking tabi. Hinawi niya ang aking buhok at pinaharap ako sa kaniya. Hindi na magkamayaw ang hikbi ko.

"Oh my god look at her! Giovan!"

Guns and Kisses (Macimilian Series #1)Where stories live. Discover now