Chapter 27 Arms

1K 28 2
                                    

Chapter 27

Arms

"We'll go to Bulacan before lunch." I informed Damian as I looked at my watch.

Bibisitahin ko iyong isang laboratory na on going ang construction. Isa iyon sa nauna kaya medyo may progress na. Damian looked at me like he's asking what is it about.

"I need to check the progress of the construction..." dugtong ko nalang.

Iyon lang ang gagawin ko sa araw na ito dahil mamaya nga iyong celebration kaya pagnatapos kami sa Bulacan ay babalik din kami agad.

Inayos ko lang ang mga gamit ko doon sa office para maghanda sa pagalis. Ganoon din naman ang ginawa ni Damian sa kaniyang gamit.

Siya ang nagbukas nang pinto at tahimik lang naman akong lumabas. Nang makarating sa labas nang lobby ay naramdaman ko ang init. Nakasoot pa ako nang coat ko dahil nakalimutan ko na iyong tanggalin sa opisina.

I am wearing a khaki color slacks pants and a plain white top, deep round neck. Pinatungan ko iyon nang rose color coat na abot hanggang ibaba nang pwetan ko at gusto ko nang tanggalin.

Napanguso ako habang hinihintay namin ang sasakyan, I sighed and saw Damian looked at me.

"Ang init..." Parang nag susumbong na sabi ko sa kaniya.

I saw the side of his lips rose. He's wearing a black long sleeves polo, na madalas na kulay niyang soot. Hindi ko alam kung uniform ba niya iyan sa sarili kasi hindi naman uniform nang isang company iyan at iba iba naman ang estilo nang polo niya.

Parang natatawa siya sa akin kaya inismiran ko nalang at tinangka nang tanggalin ang coat ko. He smiled and step towards me. Kinuha niya ang rust color handbag ko sa aking kanang kamay para hindi ako mahirapan. Nginuso ko nalang ang nararamdaman ko sa simpleng galaw niya.

Nang matanggal ang coat ay inilagay ko iyon sa kaliwang braso at naglahad nang kanang kamay kay Damian para sa bag ko. Tiningnan niya lang naman iyon.

"Okay na..." sabi ko dahil hindi naman niya ibinigay sa akin.

"I'll hold it." He replied and keep my bag in his right hand.

Pinilit kong ikunot ang noo kahit nangingiti ako sa itsura niya. With his black outfit and all, the handbag on his right-hand doesn't fit at all. Hindi ko alam kung hindi ba siya naiilang diyan. Bago pa man ako makapagsalita ay dumating na iyong sasakyan kaya naglakad na ako palapit.

Sumakay ako sa frontseat at nakasunod sa akin si Damian. He put the bag on my lap and looked at me. Tinaasan ko naman siya nang kilay dahil nakatitig na naman siya. Hindi naman siya nagsalita at isinara na iyon para makaikot sa driver's seat.

"Hindi ka ba busy sa company mo?" tanong ko nang medyo nakalayo na kami.

Ang awkward naman kasi at hindi kami nagsasalita.

Nilingon niya ako saglit.

"I can manage."

I hissed at his answer. Hindi masagot ang tanong ko nang diretso.

"You are. You can't answer properly." Tumingin ako sa kaniya, "Wala ka pang nahahanap na kapalit mo?" dugtong ko na parang hindi kapanipaniwala iyon.

I saw him pursed his lips, "Wala pa."

"That's impossible!"

"Wala na akong pang bayad nang bago."

Naningkit ang mata ko sa sagot niya. Hindi naman niya ako sineseryoso!

"Niloloko mo naman ako!" napipikon kong sagot.

Narinig ko ang tawa niya kaya humalukipkip nalang ako at tumingin sa labas. Nang medyo malapit na kami ay lumingon ako sa kaniya na medyo masungit ang mukha.

Guns and Kisses (Macimilian Series #1)Where stories live. Discover now