Chapter 16 Pain

948 27 1
                                    

Chapter 16

Pain

I stayed in the house the whole day. Hindi ko nireplyan si Damian kahit may panibagong text siya. I can't seem to fathom everything Maeve had told me. I am contemplating if I should ask Damian about it but part of me is afraid to find the answers.

And I can't lie about the fact that somehow, I am doubting everything. I don't really know who he was but I still liked him. I like him just the way he is to me. He is very attractive that is given but the way he speaks and his own way of making me feel is another story.

He always values my opinion and what I want, one thing that I'm deprived of doing. And just the mere thought that I'm doubting him, breaks my heart. Hindi naman niya iyon magagawa sa akin. Hindi ako lolokohin noon. He's honest so he wouldn't lie about his identity just because I'm his mission.

I shook my head and shook the thoughts away. I can feel my heart pounding and aching. Napapikit ako at pilit na inalis lahat ng masasamang naiisip ko.

Hindi ako lumabas kinabukasan nang umaga. Damian texted me goodmorning and I didn't reply. Nang makapananghalian ay sumama ako kila Jennie sa CCS. May aayusin sila doon dahil malapit na ang simula ng klase.

I need some time away for my mind to be clear. Habang hinihintay ko sila ay naglakad lakad ako sa labas. I sat on the same bench where I seat the last time I came here with them. I am somehow hoping that Damian would pop up somewhere but he didn't.

I sighed and closed my eyes. I miss him. Already. Malakas ang tibok ng puso ko habang nasa ganoong posisyon. Sa huli, napagdesisyonan ko na kakausapin ko siya mamaya. I need to ask him about this. Hindi pwedeng ganito.

Na pinagdududahan ko siya at iniisipan ng mali. Isa pa, gusto ko na talaga siyang makita.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Jennie nang naglalakad na kami sa dalampasigan pabalik.

Agad naman akong tumango., "Ayos lang ako."

"Para kang may problema." Dugtong niya kaya ngumiti ako ng bahagya.

Naramdaman ko naman ang paninitig ni Lisa sa akin. Umiling ako para ipakitang ayos lang talaga ako.

"Pwede ka naman magsabi sa amin." Lisa uttered in a slow and soft voice.

Nilakihan ko naman ang ngiti sa kanila para ipakitang hindi nila kailangan na magalala.

"I'm fine. I know I can rely on you pero ayos lang talaga ako."

Hindi naman na sila nagsalita hanggang makarating kami sa tapat ng bahay nila. Gusto nila akong ihatid pero ang sabi ko ay kaya ko naman. Hindi na sila nagpumilit. Tahimik akong naglakad sa dalampasigan.

I narrowed my eyes when I looked at the setting sun. Nang makarating sa harap ng bahay ni Damian ay hindi na ako nagdalawang isip na puntahan siya. I knocked and called him a few times but nothing came out.

Napanguso ako. Pinihit ko ang pinto at nagulat ng bukas iyon. Tiningnan ko pa ang cellphone ko para tingnan kung may mensahe siya pero wala naman siyang sinabi na aalis siya. Tuluyan kong binuksan ang pinto at pumasok na doon.

Is he sleeping? Tahimik ang buong bahay habang naglakad ako papasok. I tilted my head. Kung umalis siya bakit hindi siya nag l'lock ng pinto? Hindi ko alam kung bakit pumasok parin ako kahit parang wala naman siya dito.

Dinala ako ng paa ko sa harap ng study room niya. I sighed and licked my lips. I've never been here before. Kung dito siya nagt'trabaho ay ibig sabihin may mga gamit siya dito. Natawa ako sa sarili sa naisip, sa kaniya naman ba ako mag hahanap ng ebidensya ngayon?

Guns and Kisses (Macimilian Series #1)Where stories live. Discover now