Chapter 3: Plan A

Magsimula sa umpisa
                                    

Kumatok ako. "Excuse me po."

Nagkaklase sila sa trigonometry nang kumatok ako. Nakita ko pa nga na mag-seatmate pala sina Wayne at Cara. Mukhang kitang-kita ko naman na no'ng kumatok ako, lahat sila e tumingin kay Wayne. Siguro hinahanap nila 'yong reaksyon niya.

"Pinapatawag po ni Ma'am Eufemia si Jappa."

Then suddenly, lahat sila nakatingin na kay Jappa.

Pinatayo ni Sir Rom si Jappa para pumunta sa 'kin. Narinig ko 'yong iba na bumulong. Tiningnan ko sina Wayne at Cara—ilang segundo lang naman—bago ko nilihis 'yong tingin ko.

Ang sakit na makita silang magkatabi.

Nakita ni Jappa 'yong mga tingin kong 'yon. Napangiti pa nga siya. Nakakaasar at nang-asar pa. "Ba't ako pinapatawag?" tanong niya.

"Secretary thing. Ikaw pala secretary sa inyo? Akala ko si Jamiel."

"Treasurer 'yon."

"Maganda pala sulat mo?"

"Hindi. Pinagtripan lang talaga nila ako."

Natawa ako sa sinabi niya. The typical quiet glasses guy. Pero dahil sa unang pag-uusap namin, napag-alaman kong nasa loob ang kulo niya.

"Samahan mo 'ko," pagpupumilit niya.

"Bakit? May klase pa ko."

"Ako rin naman, may klase, inistorbo mo lang."

Inirapan ko siya. "Fine."

Nang naglakad na kaming dalawa, nakasalubong ko si Yanna, nakangiti—'yong evil smile. Naku, alam ko na. May nami-misinterpret 'to.

"Akala ko ba, ayaw mo sa plan A?" tanong niya.

"Yanna!" sabi ko, aware na narinig siya ni Jappa. "Hindi kasi!"

"Anong plan A?" tanong naman ni Jappa.

"W-wala. 'Lika na."

"Sa'n kayo punta?" tanong ni Yanna, nakangiti pa rin.

Umikot ang mga mata ko. "Sa faculty, kay Ma'am Eufemia."

"Bumalik ka na agad, baliw. Tumatakas ka lang sa klase, e."

Hinila ko na si Jappa at baka kung ano na lang ang masabi ni Yanna. Pero kahit sa paglalakad, mukhang hindi niya makalimutan ang napag-usapang "plan A."

"Anong 'yon?" tanong niya. "Pagseselosin mo si Wayne?"

Ugh, at talagang may theory siya agad. "'Yon 'yong plan A nina Luis. Pero hindi ko 'yon gagawin."

"E, bakit hindi?"

"Bakit oo?"

"Malay mo. Ma-realize na lang niya bigla na joke lang 'yong naramdaman niya kay Cara."

"E di, mas maganda. Pero hindi ko 'yon gagawin intentionally."

Pagdating namin sa faculty room, pinasa ni Jappa 'yong attendance sheet nila kay Ma'am Eufemia at naglakad na kami ulit pabalik sa room. Tinutukso ko siya ng "Ibibigay lang attendance sheet, kailangan pa kasama ako?" habang natatawa.

Nang malapit na kami, may binunot siya galing sa bulsa niya, tapos binigay niya sa 'kin. Isang kapirasong papel.

"Ano 'to?" tanong ko habang kinukuha.

"Papel. Galing sa notebook niya."

"Nino?"

"Sino pa ba?"

This Is Not a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon