PART 30

399 11 0
                                    

PART XXX.

    HALOS hindi makakilos ang Alpha noong makita ang pagtagos ng mahabang espada sa katawan ng mate.

"Noooooo!" Malakas niyang sigaw kasabay ng malakas na pagkidlat at pagbuhos ng ulan na tila nakikisimpatya sa pagkawala ng isang Forbidden.

"Taylor." Naibulong niya. Sobrang saya niya kanina ng makita ang pagngiti nito ng totoo sapagkat nagtagpuan na ang pagmamahal ng ama na kanyang minimithi.

Ngunit gaya ng ulan ay Unti-unting nawala ang kapayapaan at kasiyahan ng langit at napalitan ng pagluluksa.

Mabilis niyang tinawid ang distansya nila ng kanyang mate ng makita ang pagbagsak ng katawan nito.

"I've got you Darling. So now please open your eyes." He plead. She's half asleep but managed to smile at him sadly.

Nawawala na ang buhay sa kanyang mga mata at hindi niya gusto iyon. Isang butil ng luha ang namalisbis sa gilid ng mga mata nito. "My Alpha."

"Darling dadalhin kita sa infirmary." Saad niya ngunit hinawakan nito ang kanyang mukha.

"Sorry." That line again. "Sorry kasi hindi ako makakauwi sa iyo."

Nag-unahang bumuhos ang kanyang luha.

"Hindi. Hindi mo pwedeng gawin iyan. I'm your mate." Please. Mahabaging langit at Deities. Please huwag naman ganito.

'Alam kong walang masyadong ganap sa buhay ko pero please let my Darling, my Bellisima live.'

"Patawad pinakamamahal kong Alpha at hindi ko ako umuwi ng walang gasgas at sugat." She smiled sadly.

"No okay lang Darling but don't close your eyes yet, hmm?"

"Always remember that I love you till today that I drop. I loved you more for completing me." And she peacefully closed her eyes. Lumakas ang buhos ng ulan pero wala siyang pakialam. Wala siyang pakialam kahit nangangatal ang kanyang ngipin at kumikirot ang kanyang sugat sa tiyan.

"Please maawa ka Taylor Xavier. Ibuka mo iyang mga mata mo!" Isa pa uling utos niya. It feels like a dream . Ayaw tanggapin ng kanyang sarili na ayaw bumukas ng mata nito.

"Please hang on Darling." Saad niya ng marinig ang mahinang tibok ng puso nito. He carried her in a bridal style.

"She's dead Alpha. That's a Forbidden sword it will kill all the creatures with Goddesses and Gods." At tumawa ang lalaking Woollard. He wanted to smack his head off pero mas naiisip niya ang kanyang mate.

Hindi niya nilingon ang lalaki at tumakbo patungo sa infirmary na malapit sa Southwest territory.

"I always wanted to carry you in a bridal style Darling but with happiness in your face and not this" He suck a deep breath. Nahihirapan siyang huminga sa sikip ng kanyang dibdib. "Not this time Darling that you're almost lifeless."

Bawat hakbang na ginagawa niya ay halos mapasadlak na siya sa lupa dahil sa lungkot na kanyang nadarama. Nilalamon siya nito. Ang oras ay ang kalaban niya dahil alam niyang may kung anong possibleng masamang mangyari sa kanyang mate sa bawat segundong dumadaan. He can hear her pulse slowing down.

"Ito na ba ang sinasabi mong parusa Darling? Akala ko ba hindi totoo yun? Na acting lang?"

Hindi niya alam kung paano niya natunton at narating ang pagamutan sa maikling oras pero wala siyang paki. Nagkalat ang mga tao doon na may puting kasuotan.

Gentleman Series: The Wolf AlphaWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu