PART 9

411 26 2
                                    

PART IX.

      NANDITO sila ngayon ng Alpha sa second floor ng bahay este palasyo. Kanina ay ipinakita at sinuri siya ng Ti--Mommy Beatrice sa  clinic na nasa loob ng bahay ng pamilya nito. Napatawa pa siya ng kaunti ng mag-insist ang mga ibang tita ng Alpha na manuod habang ginagamot siya. Hindi rin naman siya nabagot habang tinatapalan ng kung ano-anong dahon ang kanyang sugat dahil panay ang kausap ng mga Ginang sa kanya. Nalaman pa niya na ang mga suot suot nilang alahas ay gawa niya. Nakakatuwa.

"Ang saya ng pamilya mo." She said. It's true. How she wish na may ganito din siyang pamilya pero unluckily wala siyang ganun. Her family is far from this joyful and harmonious one of the Alpha. It's warm here while in their house the people are very cold and stiff.

" I know. They nurtured me on how I am today. I thanked the deities for giving me such blessings" That's why the Alpha is like a ball of happiness and simplicity. Kahit na bully ito minsan , she can see that he's a good, helpful and understanding person.

"No wonder your a happy and nice person too like them" She said na hindi nakatingin sa Alpha kundi sa ibaba.

Tapos na kasing gamutin ang mga sugat niya at ngayon ang mga tao sa kabahayan ng Alpha ay nagsasaya sa ibaba ng Grand staircase . Normal na ata to sa kanilang bahay dahil ganito ang kanilang bonding pagkatapos kumain. She wanted to participate but they told her to rest first because tomorrow guguluhin daw siya ng mga taong to. Silly.

Humarang sa harap niya ang Alpha blocking the view kaya taka siyang napatingin dito.

"What?" She asked. Nakaupo siya sa huling baitang ng hagdanan habang nakatayo naman ito sa kanyang harapan at nakatungtong sa ikalawang baitang bago ang huli.

"Ulitin mo nga?" Ngiting ngiti ang Alpha na tila ba nanalo ng lotto. He's cheeks are flushed and his eyes glistening.

"Sabi ko mabait ka." Pagkatapos niyang sambitin ang katagang yun ay bigla nalang sinapo ng Alpha ang mukha na tila pa nahihiya at kung hindi lang siguro niya alam na brusko ito ay magtatalon-talon ito o kaya pwede ring mag-walling dahil sa --- teka

"Kinikilig ka ba sa papuri ko? Mabait ka  naman talaga dahil tutulungan mo ako " She asked smiling at idinikit pa niya ang hintuturo sa mga palad nitong nakatakip sa mukha.

"Silly. Hindi ah. Hindi ako kinikilig talaga." Kaila ng binata pero hindi naman makatingin sa kanya. Nasisiyahan talaga siya sa reaksyong to ng binata. She didn't know the Alpha has this side.

"Sige ikaw bahala." She said habang nakangisi. "Joke lang naman yun. Bully ka kaya."

Hindi niya inaasahan na asar na mukha ang makikita niya sa Alpha pagkatapos niyang sabihin ang katagang iyon.

"Ikaw---- matulog ka na nga." Nakabusangot na saad nito.

"Ikaw naman di na mab---" She was cut off by an annoyed face.

"Pasok sa kwarto!" Parang tatay ito na magkadugtong na ang mga kilay habang nakaturo sa pintuan ng silid na tutulugan niya.

"Pero--" Hindi pa siya inaantok. Gusto niya sa sanang sabihin kaso hinatak na siya ng binata papasok sa kulay berdeng kwarto.

Pagkapasok niya sa loob ay dali-dali itong lumabas na para bang sinisilaban at kasalanan ang makasama siya sa isang silid. Weird.

Sarado na ang pinto ng marinig niya ang boses ni Klein sa kabilang bahagi ng kahoy na pintuan.

"Sleep. Gain some strength. We need to begin your training." Hindi na niya narinig ang sinabi ng binata. Marahil ay nakisali na ito sa kasiyahan ng pamilya.

Gentleman Series: The Wolf AlphaWhere stories live. Discover now