PART 7

407 24 0
                                    

PART VII.


   NAPASAPO siya sa mukha ng marinig na naman ang komento ng Alpha.

" Bakit kailangan kong ipagamit sa iyo ang pangalan ko? Ang relationship status? " Tinignan niya uli ang Alpha na tila nangiinis na naman ang mukha.

"Kasi nga baka anong tsismis ang lumaganap kapag nagsasama tayo tapos ide-deny ko na wala tayong relasyon." She explained. Again.

"Ibig sabihin walang babaeng malapit saakin dahil magiging girlfriend kita kuno." Nakita niya ang panghihilakbot sa mukha nito pero tumango nalang siya.

"The horror!" Ngali-ngali na talaga niyang batukan ang Alpha kung hindi lang talaga mataas ang katungkulan nito sa tetitoryong kanyang tinatapakan nunkang magpipigil siyang saktan ang lalaki.

"Kaya nga ikaw ang nilapitan ko dahil alam kong wala kang girlfriends. Hindi ka Casanova or babaero." She said at pinagdikit ang hintuturo na nasa kanyang kandungan.

"Stalker kita noh? Bakit alam mo yun? Woah. I feel so harrased!" Pinagkrus pa nito ang braso sa dibdib.

Hingang malalim tapos control. Nararamdaman niyang nag-iinit ang kanyang mukha marahil hindi dahil sa kilig o hiya kundi sa inis.

"I didn't. It's all over your territory." Sagot niya. " And that's one of the reason why I chose to ask you to help me."

Tumikhim ito at umayos ng upo. Sa wakas mukhang nagets na ng lalaking ito ang kanyang sinasabi.

"Ta--" Naputol ang sinasabi ng Alpha ng may naglink ata dito sapagkat parang natigilan ang lalaki.

Ngumiti pa ito ng pagkatamis-tamis bago tumayo sa kinauupuan.

"Aalis ka?" Natutop niya ang kanyang bibig ng bigla niyang naibulalas ang iniisip.

"Oo. Pinapauwi ako saamin." Sagot ng lalaki at pasipol sipol na tumayo. "Tara."

Napataas ang kanyang kilay.

"Aish. Pwede ka nang makauwi" Sabi nito na ikinaganda ng mood niya. "Bukas na tayo magsimula sa training. Okay?"

"Okay."

    GABI na pero tila hindi siya mapakali. Parang nanlalagkit ang kanyang balat pero dalawang beses na siyang naligo. Pinaypayan niya na rin ang sarili pero walang epekto.

'Taylor' Her wolf called her.

'Venom anong nangyayari sa atin?' She can feel her wolf panting and their body slowly heating up.

'Kabilugan ng buwan. Mating time.' A cold sweat rolled down her face.

'It's time' She hurriedly goes to her drawer and pick up the keys and locks she's been hiding.

'Venom hang in there, you'll come out a minute after ' Sa abot ng makakaya ay isinara at sinigurado niya na nakatakip ang mga bintana at lahat ng lagusan sa kanyang bahay.

Lalabas na ang kanyang wolf at tiyak na magwawala ito dahil sa Red moon.

She then grabbed her phone and stocks na pwede nilang kainin ng kanyang lobo sa pagpapalipas ng kabilugan ng buwan.

Iniangat niya ang carpet na nagtatago sa lagusan papunta sa kanyang basement. She opened it and made her way there.

'I need to chain ourselves Venom. I'm sorry.' Ilang taon niya ng pinipigilan ang sarili na makita ang kanyang wolf mate at tiyak niya na sobrang nahihirapan ang kanyang lobo sa kanyang desisyon.

Gentleman Series: The Wolf AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon