PART 22

276 12 0
                                    

PART XXII

ILANG oras na ba siyang nakahiga sa sahig? Halos hindi na niya maibuka ang mga mata dahil sa labis na sakit sa kanyang likuran. Isang daang latigo ang tumama doon at paunti-unti palang ang paghilom.

Gusto na niyang makawala dito ngunit papaano?

' We're a half Goddess Taylor. Siguro naman mas makapangyarihan tayo sa mga bakal na ito. " Unti-unti niyang ibinuka ang mga mata at tinignan ang kinalalagyan. Nasa kulungan niya pa rin siya pero wala na ang mga nagbabantay sa kanya. And Mordecai ...

Natutulog na ang halimaw.

'I can't move Venom. Masyadong malala pa ang kalagayan ng likod ko dahil sa mga latigo.'

Bumalik ulit siya sa pagkakasalampak sa sahig. Naliligo siya sa kanyang dugo pero hindi na iyon importante.

She concentrated in her aching back. Slowly she imagined na humihilom ang sugat at nagdidikit ang mga nakabukang balat. She doesn't know kung pinaglalaruan ba siya ng isip sapagkat nawala ang sakit. Naloko niya ba ang isip na huwag damhin ang sakit?

'Taylor look! We are glowing. ' Binuksan niya ang mga mata ang noticed na nagliliwanag ang kanyang balat.

"What's happening? " She asked to herself.

Ang dugo na lumalabas sa kanyang katawan na may sugat ay gumagalaw at napupunta sa sahig. Gusto niyang sumigaw sa panghihilakbot!

"Bakit ganito?----Aww!" She can feel something on her back na para bang gustong kumawala niyon sa kanyang katawan.

Bumalik sa sahig ang kanyang tingin ng may pulang liwanag na lumalabas galing sa kanyang dugo. And there a beautiful lady came out.

"A demoness?" Tanong na naibulong niya pala sa hangin. Hindi parin nawawala ang sakit sa kanyang likod na para bang sinusugatan ng kung ano mang matulis.

Itinuon niya nalang ang mata niya sa Demoness na nasa kanyang harapan. Her hair is as white , almost silver like, na pamilyar sa kanya. That's the fur of her wolf. Her eyes are full black at walang bilog sa gitna. Nakakatakot.

But she has this innocent face and a perfect body. Sana all.

"Who the hell are ?" She asked horrified. Akala niya ay ngingiti ng masama o nakakainis ang babae gaya ng mga Demons na nakita niya pero taliwas ang ginawa nito sa kanya.

Sinapok siya nito sa ulo. Napakasadista naman nito.Napakasakit.

" Don't use profanity on me , Kid." Kumunot ang noo niya sa boses ng babae. Napakamalambing niyon pero puno ng pagbabanta ang kanyang senses na huwag magpaloko sa mapanlinlang nitong boses.

Ganito ba talaga ang pakiramdam na makipag-usap sa Demons na tulad nila? Maybe, Kilala sila bilang mapanloko at mapanghalina para gawin mo ang gusto nila. They can tempt you to do something that you don't want.

Sa naisip ay mabilis niyang tinakpan ang kanyang tenga. Gustuhin niya mang magpasalamat sa babae dahil sa paglitaw nito ay nawala ang sakit sa kanyang katawan, ay nag-aalala siya na baka paglalaruan nito ang kanyang utak. No!

"Tanga." Mabilis niyang sinamaan ng tingin ang babae na sinabihan siyang tanga.

"Sinong tanga ha? Ikaw nga diyan ..." Tinignan niya ang babae mula paa hanggang ulo at pababa uli ng may mapansin siya ...

Gentleman Series: The Wolf AlphaWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu