PART 15

397 16 0
                                    

PART XV.

   

  TRUE to the Alpha's words ay hindi nga siya nito pinag-stay sa bahay niya. Kanina ay pinuntahan nila ang kanyang maliit na tahanan para kumuha lamang ng mga importanteng gamit at kaunting mga damit. Mayroon kasi siyang personal na gamit sa bahay ni Klein. Hindi naman binalak ng lalaki na doon siya patirahin noh?

"Are you ready?" He asked. Humihingal ito halata ang pagpipigil na masaktan siya.

"Kinakabahan ako pero kaya ko to." Gusto niyang mag-back out pero nandito na eh. Papanindigan niya. Bakit ba kasi naisipan pa niyang alukin ang lalaki. Alam naman niyang wala siyang panama sa stamina nito at sa wolf ng lalaki.

"Masakit ito sa katawan sa una pero mawawala rin kalaunan." She just nodded her head. Desidido na siya. Kailangan niya ito.

" Waiiit. Waiitt. Bakit ang lakas ng hataw mo? Baka mabali ang katawan ko. " Akala niya ba concerned ang lalaki sa kanya? Bakit ayaw ata siyang palakarin ng lalaki kalaunan?

"Tanggapin mo. Timing is what you need. Timing is everything." Fine.

"Sige. Sige. Ready na ako." Bugbog na sa pawis ang aking noo. Ang lakas na din ng tibok ng puso ko.

"Taylor! Look at me. In the eyes. Kailangan mo akong tignan sa mata para matantiya mo ang lakas ko." Itinango ko nalang ang ulo ko. Pinapatagal pa kasi ng kadaldalan ng lalaki ang dapat na mangyari.

Wwoosshh! Naramdaman niya ang hangin na dumaan sa gilid ng kanyang mukha at talaga namang napakalakas niyon.

"Akala ko ba dadahan-dahanin mo? Bakit ang lakas mong manuntok." Ang lakas talaga ng pinakawalang pwersa ng suntok nito na kapag siguro nahataw siya ay tulog ang kagandahan niya.

Tinignan siya ng Alpha Klein na parang sumasakit ang ulo nito sa kanya. Ngayon kasi ang simula kanilang training. Kanina ay pinilit niya talaga ang lalaki na turuan siyang manuntok. Weakness kasi niya ang hand-to-hand combat.

"Hindi yon malakas , nagpigil pa nga ako ng pwersa." Napahawak siya sa bibig. Iyon na ang 'pagpipigil' na sabi nito? Halos manginig na ang mukha niya sa tensyon.

"Sige na nga. Ulit tayo. Ready na ako. Heeeyah!" Sinipa-sipa niya pa ang paa habang kinikindatan ang Alpha. But the latter didn't smile. Seryoso itong lumapit sa kanya.

"W-what are you doing?" Bakit hinawakan nito ang kanyang binti at ...

Binalibag siya sa sahig. Ouch. Pero bago pa siya mapinid sa semento at tumama sa mat na foam ay nasalo na siya nito. Wow. Such fast reflexes.

'The biceps. Yum!" Singit ni Venom.

"Darling we'll start from the beggining first." Beginning? May ganun pala?

"W-what?" Hinihingal siya sa takot.

"D*mn it. Don't pant." Itinikom niya naman ang bibig at pinigilan ang grabeng paghinga. Para kasing nahihirapan ang lalaking nakayapos sa kanya at nakapa-ibabaw. Siya ang nasa bottom pero hawak nito ang kanyang bewang at ulo para hindi tumama sa sahig.

"It's hard to train when your wearing such thin fabric Darling." Napatingin siya sa kanyang suot. Isang leggings , Sports bra at loose white T-shirt ang kanyang suot.

"But this is comfortable and a gym's proper attire." Depensa niya. Mahirap na magalit na naman ito katulad noong nalate siya sa opisina. Speaking of which...

"Kailan pala tayo pupunta sa SOFT STONE COMPANY mo?" She asked.

" Way to ruin the heavy mood..."

Gentleman Series: The Wolf AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon