PART 13

376 17 3
                                    

PART XIII.

   INIS na binalingan ko ang Alpha na kanina pa malisyosong nakangisi. Tiyak nasisiyahan itong makita ang kanyang mapulang mukha. Napakabastos nito. Talagang naupo siya malayo sa lalaki habang ito naman ay nakatayo at nakasandal sa pintuan.

'Talaga bang pinagnanasaan tayo ng ating mate Taylor?'  Talaga namang nasiyahan ang kanyang lobo ng marinig ang pagnanasa sa kanila ng Alpha.

She grunts to her wolf. 'Manahimik ka Venom. He's a maniac.'

'Saatin lang naman. Malakas kasi ang atraksiyon natin sa kaniya--kanila .' Hindi pa nagkakausap ang kanilang mga lobo ng binata pero alam niyang gusto na ring mameet ito ng kanyang lobo.

"So." She glared at the Alpha. Nandoon pa rin sa mukha nito ang naaaliw na ngisi.

"What?!" Ngayon ay gusto niya tuloy tanungin kung maayos na ba ang kanyang bahay. Gusto niyang umuwi muna. Too much happenings.

"Are you a willing subject?" Binuntunan pa nito ng tawa. Umusok talaga ang kanyang taenga sa narinig.

"Klleeeiiinnn! " Mapapasigaw ka nalang talaga sa napaka-mahalay na offer nito. Akala naman ng binata na magpapapinta siya dito habang nakahubad. Baka sa hinaharap ...

Ay hindi. Hindi.

Ipinilig niya ang ulo para hindi niya ito mahampas uli. Kumalma siya ng konti ng pina-ilaw na ng lalaki ang silid but still chuckling. Hindi na niya makikita ang makasalanan nitong pinta. Oo nga pala nakita na nito ang kanyang katawan kaya hindi na siya dapat magtaka kung may ideya ito sa katawan niya. Nakakahiya talaga. Bakit ba kasi ako nagkasakit nung araw na iyon?

"I really love it when you call be my name." Napairap nalang ako sa hangin.

"When are you going to let me home ba?" Naging conyo ata ako? Tsk.

"Never."

"What?!" Napamulagat siya. Sumeryoso ang mukha ng Alpha at hinarap siya.

"You're my mate. Wherever I am kailangan nandoon ka. I'll protect you." She glared at the man.

"Hindi nga kita tinatanggap." Napasimangot ang lalaki.

"Hindi pa." He said. Totoo naman talaga ang sinasabi nito. Bakit ba hindi niya pa ito inire-reject? Mahirap kasi dahil pinipigilan siya nito.

"Klein yung training---"  Naputol ang pag-uusap nila ng lalaki ng sumugod si Beanca. Pinagpapawisan ito at para bang may nakitang kahindik hindik.

"Alpha, inatake ni Mordecai ang Woollard's pack" Halos manginig ang kanyang tuhod sa narinig sa omega. Her home got attacked by that ferocious monster?

Mabilis niyang tinawid ang pagitan nila ng omega at hinawakan ito sa balikat.

"Totoo ba? Kailan? Maayos na ba sila?" Sunod-sunod ang kanyang tanong habang unti unting naglalandas sa kanyang mukha ang kanyang mga luha. She just can't believe it.

Kahit wala naman siyang masayang ala-ala sa Woollard's pack ay ito ang tahanan niya. Sa territoryong yun nakatira ang kanyang pamilya na bumuhay sa kanya.

Gusto kong magwala. How dare you Mordecai? Bakit sa Woollard's territory ka pa naghasik?

" Leave. For a minute. I'll came down later Beanca." Saad ng Alpha. Isang braso ang humawak sa kanyang balikat at yumapos sa kanyang katawan. She's sad and mad at alam ng Alpha na malungkot siya ngayon kaya niyayakap siya nito.

Gentleman Series: The Wolf AlphaWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu