PART 25

314 10 0
                                    

PART XXV.


SOBRANG lamig ng panahon sa Hearth. Walang makikitang nakakasilaw na umaga. Nakakapagtaka dahil katatapos lang ng Red Moon kaya dapat ay hindi na makulimlim ang kalangitan.

"Taylor?" Napalingon siya sa kanyang Grandmy. Matapos siyang mailigtas ni Grandmy, Gamma Dylan, Beta Norse at Mayor Giu ay tumuloy muna siya sa kaniyang bahay.

Bakit? Hindi niya alam. Siguro ay namimiss niya lang ang kanyang bahay na tinirhan since nag-18 years old siya.

"Bakit Grandmy?" Her Grandmy never leave her side at talagang naaappreciate niya ang pagmamahal nito sa kanya.

"Bakit ka malungkot?" Napangiti siya ng matipid. Tanging ang kinilala lang niya talagang Abuela ang may kakayahang basahin siya.

" Hindi naman po Grandmy. May iniisip lang ako. " Iniisip niya kung paano niya sasabihin sa Grandmy na ang anak nito--- teka anak kaya nito si Mordecai? Tinignan niya ang Lola.

"Whatever you're thinking pwede mo iyang sabihin saakin. I will answer that. Sabihin mo saakin ang nilalaman ng iyong isip." Umupo ang Grandmy niya sa kama na kanyang kinauupuan din.

"Grandmy kasi may nalaman ako." Ano kaya ang mararamdaman ng Grandmy niya kapag nalaman nito na kakampi ni Mordecai ang amang Woollard.

" Ano ba iyan hija at parang nanlalamig ka? " She's nervous as hell. Kung nandito lang sana si Klein pero hindi pa nagpapakita sa kanya ang lalaki. On Hiatus ang lolo mo.

" Paano kung may kilala pala tayong kakampi ni Mordecai? We thought he's the bravest and ang pinakamatinong tao but then nagkukubli lang pala siya. " Paano ko ba tatanungin si Grandmy kung anak niya ba si Mordecai?

" Taylor it's inevitable. Wala naman talagang tao na makikilala natin ng lubusan. Only a person knows what's running on his mind kaya nga hindi ka na dapat pang magtaka kung may makilala kang masama palang tao pero huli mo na nalaman. Kaya nga nauso ang 'Be Careful who you trust' dahil kahit sino ay may masamang side malas mo lang kung sayo nila iyon ipakita at ipadama." Somehow she gets the point of her Grandmy.

"Now be honest, Ano ang natuklasan mo? At ano ang mga katanungan mo?" She blew a loud breath bago tinignan si Grandmy sa mga mata.

"Si Mr. Robin Woollard po Grandmy na anak niyo sinabi na kapatid niya daw si Mordecai." She saw the hurt face of her Grandmy.

"Sa Hearth Taylor mayroong Reincarnation. A few centuries ago ay namatay ang kapatid ni Mordecai kaya malaki talaga ang tsansa na ang napulot kong bata ay ang reincarnation ng kapatid ni Mordecai at nagsasabi ng totoo ang anak ko." Nakita niya ang pag-aalala sa mukha ng Grandmy. Isang pagsisisi rin ang nakita niya sa mukha ng Abuela.

"Napulot? Ibig sabihin hindi mo siya totoong anak Grandmy?" Ngayon niya lang nalaman iyon at halos hindi siya makapaniwala. Her father Robin Woollard, respect her Grandmy so much. Napakabait ng kanyang Grandmy kaya paano nagawang pumanig sa masama ang kanyang kinilalang ama?

"Oo Taylor. Hindi ako pwedeng magka-anak dahil wala naman akong asawa." Speaking of which, talagang walang ipinakilala sa kanya o sa pamilya ng Woollard na may naging kabiyak ito. Kaya pala, noon pa man ay naisip na niya kung bakit wala siyang lolo. Akala niya patay na wala pala talaga. " But I love Robin like my own son Taylor."

"Anong gagawin natin Grandmy? Nagsisilbing protector siya ni Mordecai ngayon at tiyak kung mag kasama sila sa nagplanong iaaalay ako." A hand gripped on her shoulders.

" Do what you must. Masakit na masakit para saakin na ang anak ko pa ang isa sa kakampi ni Mordecai Taylor. Pakiramdam ko ay walang kwenta akong magulang dahil pumanig sa masama ang anak ko. " Isang butil ng luha ang tumakas sa mata ng matandang kaharap na agad din nitong pinahid . Matatag ang kanyang Grandmy pero alam niyang ayaw lang nitong makita niya itong maiyak sa lungkot. Nararamdaman niya na sobrang napakasakit ng ginawa ni Robin Woollard sa Abuela bilang Ina.

Gentleman Series: The Wolf AlphaWhere stories live. Discover now