PART 20

355 14 0
                                    

PART XX.

    KANINA pa nakaalis si Grandmy. Masakit man sa puso niya pero sanay na naman siyang hindi talaga nagtatagal ang kanyang Lola sa iisang lugar. She's very thankful to Lucia Woollard, ever since ito lang ang nakakaalala sa kanya. Wala man ito sa piling niya but she always make sure that she's safe. Kapag nakikidnap siya ito ang kanyang unang masisilayan sa tahanan ng Woollard. May mga butil ng luha sa mata at nakabuka ang mga kamay para salubungin siya ng mahigpit na mahigpit na yakap.

"Ano ba yan!" Nakangiti niyang pakli sa sarili. Napakaiyakin niya talaga. Kapag ang nag-iisang taong tumayo bilang pamilya niya ang pinaguusapan ay talagang nagiging emosyonal siya. Dahil alam niya sa sarili na nag-iisa lang ito.

"Darling why are you crying?" Kakabukas lang ng mga mata nito. Nakaupo siya samantalang bumabangon pa ito.

Nang makaupo ay tinulungan siya ng lalaki na paalisin ang mga takas na luha sa kanyang pisngi.

" Umalis na si Grandmy? " Nakiki-Grandmy na talaga ang lalaki sa Lola niya.

"Oo. Nakakalungkot." Minsan lang silang magkita ng Lola pero sinisigurado nitong maramdaman niya ang pagmamahal at pag-aalaga nito na hindi man lang niya naramdaman sa kinagisnang pamilya.

" Kahit pekeng pag-aalala lang mula sa pamilyang Woollard ay sapat na sa akin pero wala akong natanggap mula sa Ama ng Woollard. Casual naman ang pakikitungo ng mga kapatid ko saakin bukod kay kuya Benjie. Pero iba kay Grandmy. Siya lang mula noon hanggang ngayon ang nag-aalaga saakin. Kung hindi ko lang alam ang tungkulin ng council ay baka sumama na ako sa kanya pero alam kong mahihirapan ang Lola ko." Tahimik lang si Klein sa tabi ko at tinutulungan akong tuyuin ang aking mga luha. This is what she wanted to a guy. Iyong lalaking makikinig lang sa mga hinanaing mo at mananatili sa isang tabi while stroking your fingers.

" Hindi ko tuloy maiwasan na magdamdam pero hindi naman kasalanan ng mga Woollard na hindi nila ako makuhang mahalin. Anak ako ng tinaguriang 'Salot' sa Hearth kaya that makes me a salot too." Ibinaling ng lalaki ang kanyang pisngi sa kanan at hinarap siya.

"Why do you always self pity?" Bakit nga ba? Dahil siguro ganun siya lumaki? Parating pinapaalala ng nakapaligid sa kanya na mahina siya and we'll never be brave enough to make a change in the society.

"Hindi ko maiwasan Klein. Ganito ako lumaki. Kailangan kong tanggapin na I'm just a nobody in the society, in Hearth. Na gumigising lang ako para patunayan sa iba na karapat-dapat akong mahalin." Pinaglapit ni Klein ang kanilang ulo hanggang sa magdikit na ang kanilang noo. This is what he always does whenever I'm sad at lubos kong naa-appreciate ito.

" Can I be enough? Pwede ba maging sapat na ako para punan ang pagmamahal na hinahangad mo diyan sa puso mo? Huwag mo ng patunayan sa ibang nilalang na your worth to love, kasi para sa akin hindi ka man kumilos ay nakatatak ka na dito. " Ipinatong ng lalaki ang kanyang kamay sa dibdib nito at naramdaman niya ang malakas na pagtibok ng puso ng lalaki.

"Don't pity yourself. Pity those people na hindi ka naa-appreciate because someday, I believe in you , you'll make everybody proud." A tear due to happiness swell in the corner of her eyes slid again na tinuyo niya na.

"I never regretted meeting you My Alpha. Kahit na iniisip mo na nagsisisi ako at pakiramdam mo nakagulo ka lang sa mga plano ko, I am very thankful that you're here beside me." Kasi hindi siya magiging masaya at ganito kakuntento kung hindi niya nahanap ang lalaki.

"I'll love you till I drop six feet below the ground my Luna." He said lovingly to her.

"And I'll love you till I drop too, my Gentleman Alpha." Sobra-sobrang proud na talaga siya sa pagpipigil ng lalaki na kahit nagkaaminan na sila ng feelings ay pinapanindigan parin nito ang sinasabi sa kanyang hindi nila gagawin iyon hanggat hindi sila kasal.

Gentleman Series: The Wolf AlphaWhere stories live. Discover now