Chapter 8.2

30.9K 584 46
                                    

Hello everyone!

How's your Christmas break? I hope you're all having a good one.

By the way, here's another update and I hope you'll like it. Medyo cliffhanging ang part na ito but don't worry kasi malapit nang masagot ang katanungan ng ilan. I also want to inform you that i won't be posting any update on my next rest day (Monday-Tuesday) because I'll be out of town for three days to enjoy my mandatory vacation leave. Hahaha. Yes, ganyan ako kasipag "kuno" sa trabaho to the point na nakakalimutan kong mag-leave. Echos!

So enjoy reading! Thank you for supporting my works. Maayong Pasko ug Malipayong Bag-ong Tu-ig!

Love Lots,

Lhara McFadden

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

                  

"You know what, Mom? I met a guy this morning," Jackie opened as she was piercing a piece of meat with her fork.

Pagkatapos magsalita ay tumingin kay Lorabelle ang bata. The three of them, including the girl's granny were taking their dinner. Halos magkasabay sila ni Aling Maridon na napatingin dito.

"So how was it? Buti hindi ka takot sa strangers," aniya sa anak saka sumubo ng kanin.

"I know you've been telling me not to talk to strangers, Mom. But Tito Steven doesn't look scary. He's handsome. You should meet—"

Tito Steven! Tila namingi siya sa narinig. Biglang sumulak ang kanyang dugo nang dahil doon.

"Jackie stop! Paano mo nakilala ang lalaking iyan?"

Her whole being has started to melt down in a state of unexplainable anxiety. She wanted to shout at the top of her lungs due to the fact that the two have already met outside of her knowledge. Wala pa naman siyang plano na ipakilala ang dalawa dahil gusto na niyang mag-move-on! At hindi parte ng pag-move-on niya ang magkakilala ang mga ito.

Bigla siyang nakadama ng matinding inis sa sarili nang mapagtantong isang malaking pagkakamali ang pagbigay niya ng address sa lalaki. And why did he come this morning? Was it because of her damn job as his Editorial Assistant?

"'Di ba I told you not to talk to strangers? Bakit ang tigas ng ulo mo?" Halos lumuwa ang kanyang mga mata habang nakatingin sa bata na siyang naging dahilan  kung bakit bumalong ang luha sa mga mata nito.

"M-Mom," Jackie said, her voice was shuddering. "Lola Don!" the child added. She went to her grandmother and threw herself into her arms.

Unti-unti na ring naglandasan ang luha sa maliliit na pisngi ni Jackie. Nababanaag niya ang takot sa mga mata ng anak kaya bigla siyang nakadama ng kunsensiya para rito.

"Stop crying, Anak," masuyong sambit ni Aling Maridon sa apo sabay haplos ng mahaba nitong buhok. "Lora, bakit ba ganyan ang reaksiyon mo? Kung parehong tao man ang Steven na nakilala niya, aba'y wala siyang ideya tungkol sa bagay na iyon," baling nito sa kanya.

Oo nga naman. Hindi niya kailanman binigyan ng ideya ang bata tungkol sa ama nito. Sinabi niya lang na mabait ang lalaki at mahal na mahal nila ang isa't-isa noon. Other than that, wala na. Saka bakit ba ang OA ng reaksiyon niya kanina?

"S-sorry, 'Ma. Nabigla lang po kasi ako. Come to mommy, Jackie. I'm sorry for yelling at you earlier, Sweetheart," aniya na ngayon ay mahinahon na ang boses. "Nakita niyo po ba na nagpunta si Steven ditto, 'Ma?" she added.

Hindi naman nagdalawang-isip ang bata sa paglapit sa kanya. She held the child's small body with her arms and planted a gent;e kiss on her head.

"Hindi ko nakita. Pero nang tinawag ko si Jackie kanina ay nakita ko siyang naglakad mula sa gate," Aling Maridon answered. Blangko ang ekspresiyon nito.

PLEASE BE MINE...AGAIN (Completed/Editing)Where stories live. Discover now