Chapter 15.2

16.5K 311 5
                                    




Hello guys!

Thank you so much for being so patient in waiting for an update of this story. I would like to announce that it only got some few remaining chapters and it is finished.

I hope you enjoy the double update! :-)

Always,

Lhara McFadden


_____________________________________________________________________________


Pagdating nila sa zoo ay nagkaroon muna ng maikling briefing kasama ng mga zoo keeper. Sinabi roon kung anu-ano ang mga bagay na dapat isaalang-alang upang mapanatili ang kaligtasan lalo na ng mga kabataan.

For Lorabelle, a visit to a zoo was one of the most enthralling and exciting things. Bihira kasi siyang makapunta sa ganoong lugar noong nag-aaral pa siya. Isa pa, takot din siya na baka may makawalang mabangis na hayop tulad ng leon, tigre o kaya ahas.

Somehow, she found it as an interesting way to let the children see different kinds animals, which they cannot see most of the time. A visit to a zoo was an entertaining activity not just for children but also for adults as it enhances one's knowledge and wonder at the marvels of nature. 

Pagkatapos ng briefing ay hinati ang bawat isa sa tatlong pangkat ng Grade One upang hindi sila magkasiksikan sa iisang lugar. Bawat grupo ay may kanya-kanyang zoo keeper na magsisilbing tour guide nila.

Unang pinuntahan nina Lorabelle ang bahagi kung nasaan ang iba't-ibang uri ng ibon. The bird's section was a colourful treat to their eyes. They saw the lovely kingfishers and the cranes, sparrows of different kinds, graceful pelicans, peacocks, storks, ducks, peahens, and a wide variety of mountain birds. The section was echoing with the chirping of the multi-coloured birds all over.

Hindi niya rin mapigilan ang sarili na magnakaw ng tingin kay Steven na ngayon ay masayang nakikipag-usap kay Jackie habang tinuturo ang mga ibon. Hindi rin naman mapawi-pawi ang ngiti sa mga labi ng bata na sa tingin niya ay sabik na sabik talagang makasama ang ama. Tila hinaplos ng malamig na kamay ang kanyang puso habang lihim na pinanonood ang dalawa.

Steven unexpectedly looked at her direction and caught her staring at him, and it was too late to tear her gaze away. Kumindat ito sa kanya na siyang naging dahilan upang magwala ang kanyang puso. Alam niyang exaggerated pakinggan pero ganoon talaga ang epekto kahit simpleng titig lang nito  sa kanya. Ngiti ang itinugon niya sa kindat nito.

He motioned a bit closer to her and he turned his mouth near her right ear. She could feel his warm breath on her neck.

"You look so beautiful today," he whispered.

"Ows? Eh, hindi nga ako nagpaganda ngayon," sagot niya kahit na sa loob-loob niya ay labis nang nagdiriwang.

"You're naturally beautiful," malambing namang wika nito.

"Sige na nga. Maniniwala na lang ako sa'yo kahit alam kong binobola mo lang ako."

Ngunit bago pa man ito nakasagot ay narinig na nila ang boses ng zoo keeper na nagsasabing lilipat na sila sa kabilang bahagi ng zoo.

They went to the Animals' section. She was so amazed to see the tigers, lions, leopards, giraffes, zebras, horses, rhinoceros and more. Some of them were very active and alert while others were naughty. The tiger, leopards and bears were huge and fearful to look at. Talagang kinilabutan siya habang tinitingnan ang matutulis na ngipin at pangil ng mga ito. Tila naririndi siya habang iniisip na nakakawala kahit isa sa mga ito at manglapa ng tao.

The best attraction for her, however, were the monkeys, chimpanzees and gorillas. They were so amusing with their pranks and swinging tails. Natutuwa rin siyang panoorin ang kanyang mag-ama na patuloy pa ring nag-e-enjoy habang pinapanood ang mga hayop, lalo na si Jackie na sobrang tinis ng boses kapag tumatawa. Ganoon din ang reaksiyon ni Aling Maridon na tuwang-tuwa rin sa nakikita.

Pinakahuling pinuntahan ng grupo nila ay ang Reptiles' section. They saw the Crocodiles lying in the sun and a wide variety of snakes, cripers and cobras.

"Huwag mo kasing katukin at baka magalit ang ahas basagin pa ang salamin," suway niya kay Steven na tila tuwang-tuwa pa sa pagkakatok ng salamin sa kinalalagyan ng ahas. Napapangiwi siya sa tuwing naririnig ang tunog nito.

"Ok, hon. As you wish." Then he painted on a naughty grin.

"Mommy is so killjoy, right, daddy?" Jackie barged in. Karga na ito ni Steven dahil dumaing kanina na pagod na raw ito sa kalalakad.

"Asus! Kayo talaga. Pinagkaisahan niyo pa talaga ako, ha," she answered, then awarded the kid with a gentle pinch on her cheek.

It took them a few hours to enjoy the vast experience and walking around made them feel hungry.

"Daddy, I'm thirsty. I wanna drink juice," reklamo ni Jackie. Hindi nakaligtas sa pandinig ni Lorabelle ang sinabi ng anak.

"'Nak, we don't have juice, eh. Water na lang?" aniya sa bata.

"Ako nang bahala, Lora. Bibili na lang ako sa canteen," Steven volunteered.

"'Di ba malayo-layo pa ang canteen dito?"

"It's okay," maikling sagot nito saka bumaling kay Jackie. "Just stay with mommy, baby. I'll be back right away."

"Okay, daddy." Iyon lang at nagtungo na ang lalaki sa canteen.

PLEASE BE MINE...AGAIN (Completed/Editing)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن