Chapter 11.2

19.3K 350 16
                                    

                 

Hello guys!

Happy New Year pala sa inyong lahat. How's your 2016 so far? I hope everything is well. Anyway, I'm happy to announce that Steven is now back! Sa awa ng Diyos, nairaos ko na si Captain JK and he's currently for evaluation. Sana may mga naghihintay pa rin sa update ng story na 'to.

I would like to apologize ahead of time if you'll encounter some typos and wrong grammars. Hindi ko na kasi in-edit 'to dahil super inaantok na ako. Work mode din ako later. Isiningit ko lang talaga ito dahil sobrang na-miss ko ang pagsusulat.

Enjoy reading! Your VOTES and COMMENTS are HIGHLY APPRECIATED. :-)

Always,

Lhara McFadden


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


                  

Lorabelle was awakened by a tingling pain in her head.  She grimaced as she gently massaged her temple, trying to ease the pain that's continuing to rule over it.

Habang minamasahe ang ulo ay dahan-dahan siyang bumangon at inilibot ang paningin sa paligid. The bedroom was spacious and was decorated simply but tastefully. Well, a typical bedroom with a masculine edge. The neutral color of the walls popped with blue looked cozy in her eyes. The king-sized bed where she was lying down was so soft and the cream colored curtains on the windows that were made of thick cotton  added to the masculinity of the ambience.

Malaki ang LED television na nakapatong sa TV stand na may mga CD at DVD tapes na nakalagay sa bawat gilid. May sarili ring refrigerator sa isang sulok niyon. But what really made her pulse beat wildly was the scent of the entire room. Ang lalaking-lalaking amoy na umiikot sa kabuuan ng kwarto na humahalo sa hanging binubuga ng aircon ay naghahatid ng kakaibang pakiramdam sa kanya. Tila kasi nasa tabi lang niya si Steven sa tuwing humihinga siya.

Speaking of Steven, where is he? She examined herself at the thought of him. She was surprised when she realized that her clothes were intact. Halatang walang nangyari sa kanilang dalawa kagabi. Ay oo nga pala, nalasing siya kagabi sa alak na ininom nila at nakatulog siya sa sofa sa sala. Wait, she fell asleep on the sofa in the living room and how come she's already in his room?

Oh, don't tell me kinarga ako ni Steven kagabi? Bigla tuloy siyang kinilig sa isiping iyon. But in the middle of her "self-kilig moment," her stomach suddenly grunted. Mukhang galit na ang alaga niya sa tiyan kaya bumangon na lang siya upang pumunta sa kumedor.

Kagaya ng nakaugalian sa kanilang bahay ay inayos niya muna ang nagusot na kobre kama. Nakakahiya naman kay Steven kapag nakita nitong hindi iyon maayos pagpasok nito sa kwarto mamaya. Baka hindi na siya makaulit. She smiled at the thought.

She was busy fixing the bed sheets when she accidentally lifted her head and her eyes landed on a big picture hanging above the headboard. Ganoon na lang ang pagsasal ng tibok ng kanyang pulso nang mapagtanto niya kung ano – kung sino – ang nasa litrato. It was a candid shot of her in Señora Carmen and what brought her in a terrible state of shock was that Steven created a dart board out of it!

She felt as if a huge bongo drum was banging on her rib cage and all of a sudden, her tears gently flowed down her cheeks. Windang na windang siya sa kanyang nakita at kahit anuman ang gawin niyang pagpapahid ng sariling mga luha ay hindi pa rin iyon tumitigil sa katutulo. Pakiramdam niya ay sinampal siya ng isang daang beses. Napaupo siya sa kama dahil pakiramdam niya ay mabubuwal na siya anumang sandali.

PLEASE BE MINE...AGAIN (Completed/Editing)On viuen les histories. Descobreix ara