Chapter 12.1

16.7K 341 6
                                    

Guys, medyo maikli lang ang update na ito pero pwede na sigurong pagtiyagaan. lol! But I'll try my best na makapag-update mamaya. Thanks!

Always,

Lhara McFadden

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Laglag ang balikat ni Lorabelle habang papasok siya sa entrance ng ospital nang hapong iyon. She went to Red Cross this morning to seek help and asked blood donation but she ended up getting a bad news. Bigo siyang makakuha ng kahit isang bag man lang ng dugo dahil sinabi ng in-charge doon na may nauna na raw at kinuha iyon kahapon.

Somehow, they promised to help her find a blood donor. But when would it be? Jackie needs blood transfusion as soon as possible for Pete's sake! Baka naman abutin pa ng 48 years ang paghahanap ng mga ito.

She also called Rosel to ask for her blood type but it wasn't compatible with the type that Jackie has. Nangako rin ito na tutulungan siyang maghanap ng donor. Rosel suggested to ask for Steven's help but she utterly refused. She had high hopes that she could find ways to save the life of her daughter and besides, she didn't need money. Gayunpaman ay nirespeto ng kaibigan ang kanyang desisyon.

Ngunit habang dumadaan naman ang bawat minuto na wala siyang nagagawa upang isalba ang buhay ng anak ay tila pakiramdam niya'y nahihirapan siyang huminga. She felt so helpless and she wanted to cry. If only she could barter her health with her kid, she already did it.

She continued striding at the hallway through Jackie's room. She hated seeing the child in that woeful situation but she had no choice but to attend to her. Simula kasi kahapon sa loob ng emergency room hanggang sa mailipat ng kwarto ay panay ang iyak at daing nito dahil sa sakit na nararamdaman sa katawan.

When she reached the door of the room, she made three knocks before opening it.

"Ma, kumusta po?" kaagad niyang tanong dito sa sandaling nakapasok siya.

Her eyes hovered around and it landed on a particular plastic that was hanging on the dextrose stand. It contained blood and it got a small tube that was connected to Jackie's right hand. She felt so relieved seeing it, alright, but she also couldn't help but wonder who donated it.

"Lora, anak," ang tanging naisagot ni Aling Maridon sa kanya. Mula sa pagkakayukyok sa gilid ng hospital bed ay nag-angat ito ng ulo nang marinig ang kanyang boses.

"S-sino po ang nag-donate ng dugo?" she asked, still unable to believe that there's someone - with a big heart - out there offered a hand to help them save her child.

"Hindi ko nga rin alam kung sino ang nag-donate, anak. Kanina kasi habang wala ka ay pumasok si Doc at sinabing may blood donor na raw tayo. Akala ko nga ikaw ang nakahanap," wika naman nito na bakas sa boses ang kasiyahan. "Nang tanungin ko naman ang nurse na naka-duty, sinabi niya na hindi raw sinasabi sa kanila kung sino ang mga nagdo-donate. Sa laboratory na lang daw tayo magtanong," dagdag naman nito.

The corners of her lips raised to curve a happy smile. Putlang-putla ito kaninang umaga nang umalis siya ngunit ngayon ay unti-unti nang nanunumbalik ang kulay sa mukha nito. She could see that Jackie was responding well with the blood that was transfused to her.

"Gano'n po ba, Ma? Sana dumalaw siya rito para makapagpasalamat man lang tayo sa kanya," aniya kahit alam niyang medyo malabong mangyari iyon.

Mahahalikan niya talaga ang donor kung sino man siya dahil sa ginawa nitong pagdugtong sa buhay ng anak niya. Bukas na bukas din ay aalamin niya ang pangalan at contact number nito para man lang mabigyan niya ito ng regalo.

She went to the child who was peacefully sleeping on the bed. She gently caressed her cheeks and planted a gentle kiss on her forehead.


PLEASE BE MINE...AGAIN (Completed/Editing)Where stories live. Discover now