Chapter 12.2

16.7K 329 3
                                    

Jackie was responding well to the blood transfusion and in just a span of seven days, her body already recovered from dengue. The bruises on her body disappeared which was an indication that the bleeding was prevented. Umakyat na rin ang platelets nito at bumabalik na sa normal. Ayon sa doctor ay malaki ang naitulong ng dugong isinalin dito dahil healthy at malakas iyon at match na match sa blood type ng bata.

They stayed for three days more in the hospital before Jackie was finally discharged. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin talaga siyang ideya kung sino ang taong hulog ng langit na nagdugtong ng buhay sa kanyang anak. Mas pinili niya kasing manatili sa tabi ng anak habang nagpapagaling ito.

"Nakita ko na ang result ng huling CBC ni Jackie at normal na ang lahat. Tumaas na rin ang platelet count niya, Miss Yañez," Doctor Conferido stated when they were in her office.

Mula sa billing section ay dumiretso sila roon dahil iyon ang ibinilin ng babae. Kasalukuyan silang nakaupo ni Aling Maridon sa dalawang magkaharap na silya na nasa harap ng mesa ng doctor. Jackie was sitting on Aling Maridon's lap.

"Maraming salamat po, doc," she answered with a flash of a wide smile on her face. Ganoon din ang kanyang nanay. "Baby, the doctor said that you're already fine. Wala ka ng dengue. Yey!" she turned to the child then gently cleared some strands of hair that was convering her small face. Masuyo niya ring pinisil ang kanang pisngi nito.

"Talaga po, mommy? Yey!" sagot naman nito na bakas sa mukha ang saya at excitement.

"But, baby, you have to be careful. Iwasan mo muna ang sobrang paglalaro kasi baka mabinat ka. Okay lang ang konting exercise like swimming," the doctor reminded Jackie. She was flashing a friendly smile on her face that made the kid more comfortable in her. "Is she taking vitamins?" baling nito sa kanya.

"Yes, doc. She's taking it regularly," simpleng sagot niya.

"Okay, good!" ang tangi ring sagot nito. Lorabelle knew that it was a sign that they could go home already so she stood up.

"Ah, maraming salamat po sa pag-aalaga niyo rito apo ko, doc," magiliw na wika ni Aling Maridon saka dahan-dahan ding tumayo kasama ang bata.

"Walang anuman, Misis."

They left the doctor's office with a relieved smile on their faces. She felt as if a heavy weight was taken off her chest now that her daughter was discharged. But she suddenly remembered one thing. Bigla niyang naalala ang mabait na donor ng dugo at oo nga pala, may binili siyang thank you card at simpleng regalo para rito. And she wanted to hand the little presents to that person.

"Ma, pwede po ba akong pumunta saglit sa laboratory?" paalam niya sa ina nang nasa labas na sila ng doctor's office. She opened her bag and fished for the gift so it would be ready to be handed over.

"Sige, anak. Doon ka na lang namin hihintayin sa lobby."

She just responded it with a nod. Iginiya na rin ng babae ang apo kung saan naroroon ang lobby habang siya naman ay binabagtas ang hallway papuntang laboratory. Timing naman na lumabas ang isang medical technologist at akmang makakasalubong niya ito kaya nilakihan niya ang mga hakbang patungo rito.

"Excuse me, Miss. Ako nga pala si Lorabelle, nanay ni Jackielyn Yañez. Iyong dengue patient na may dugong AB+," she introduced herself, smiling.

"Ah, opo! Naaalala ko po siya. Kumusta na po pala siya?"

"Sa awa ng Diyos magaling na siya and actually, ngayon kami na-discharge. Itatanong ko lang sana kung ano ang pangalan at number ng blood donor niya? Gusto ko kasi sanang magpasalamat." She opened the zipper of her shoulder bag and fished for her phone hoping that she could get the information she needed. But she noticed that the woman's face slightly lowered.

"Naku, ma'am, sorry po. Ibinilin niya po kasi na huwag na lang ipaalam sa inyo kung sino siya. Pero dalawa po silang pumunta dito. Babae at lalaki po," the woman politely refused.

She felt a bit disappointed with her answer but she knew she had to respect ito. At sa tingin niya ay hindi niya ito mapipilit. She also didn't want to give any bribe to the woman just to get the information so she just accepted the fact that she couldn't thank the donor personally. Baka nga napaka-private na tao iyon. Iisipin na lang niya na anghel dela guardia ni Jackie ang taong iyon.

"Gano'n ba? Sayang naman. Gusto ko pa naman sana siyang mapasalamatan ng personal." Bakas pa rin sa kanyang boses ang panghihinayang habang nagsasalita siya. "Miss, favour naman, o. Pakibigay na lang 'to sa kanya at pakisabi na ring maraming salamat," aniya sabay bigay rito ang regalong hawak.

"Ah, sige po." Kinuha nito mula sa kanya ang regalo at inilagay iyon sa bulsa ng suot nitong uniform.

"Thank you, Miss."


PLEASE BE MINE...AGAIN (Completed/Editing)Kde žijí příběhy. Začni objevovat