Chapter 14.1

18.2K 378 28
                                    

Hello guys!

Sorry if it took me long to post an update. One of my dogs died and I was depressed due to her untimely death so I gave myself some time to mourn. Close kasi kami ng mga alaga kong aso kaya sobra ako na-attached sa kanila at nagluluksa talaga ako 'pag may nawala. As a matter of fact, mas kinakausap ko pa sila kaysa sa mga tao dito sa amin. I know that sounds weird but that's really the way I am at home.

Anyway, I hope you'll enjoy this update! Votes and comments are welcome. 

Always

Lhara McFadden


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



Lorabelle was busy pulling out some falling leaves from her plants when she heard the doorbell ring. After the third ring, she put the scissors on the steel table and opened the gate. Minsan pang napamulagat ang kanyang mga mata nang makita ang 'di inaasahang panauhin.

Steven!

"Hi Lora!" he greeted, flashing his megawatt smile that made her heart berserk inside her ribcage.

She failed to greet him back. Instead, her eyes automatically did a survey on him. Lihim siyang napasinghap habang tinitingnan ito. Steven was just sporting a mint green tight shirt that covered his broad and muscular body and faded jeans that clung lovingly to the hard muscles of his thigh. Ngunit kahit sa simpleng kasuotan ay hindi pa rin maitatangging napakagwapo nito.

Mamasa-masa pa ang buhok ng binata at halatang bagong paligo kaya preskong-presko itong tingnan. Nanunuot sa kanyang ilong ang bango ng pinaghalong men's cologne at aftershaved lotion na ginamit nito.

My, but he's more handsome than he was during their last meeting at the office last Friday! Ano bang mahika meron ang lalaking 'to at araw-araw na lang ay mas lalo itong nagiging gwapo? Damn! But she couldn't take her eyes off him.

"Hey, Lora. Is there something wrong?"

Napakurap siya nang marinig ang boses nito at umasta pang tila nauubo. She blinked her eyes for a couple of times and looked at him when she found her calmness.

"W-wala naman. A-anong ginagawa mo dito?" tanong niya habang pilit pa ring pinakakalma ang sarili. Hindi kasi tumitigil sa pagririgodon ang kanyang puso.

"Lora, can I talk to you?" He was watching at her intently, and there was an odd glint in his eyes, as if he was really urging him to say yes. He rarely smiled too.

"About what?" Her forehead furrowed as she asked.

Biglang bumundol ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib dahil tila alam na niya kung tungkol saan ang gusto nitong pag-usapan nila. Kung noong una ay handa na siyang aminin dito na anak nga nila si Jacky, ngayon naman ay tila nagbago ang kanyang isip dahil may Andy na pala ito.

So, sa lagay na 'yan ay gusto mo na walang girlfriend si Steven para magkaroon ng chance na maging buong pamilya kayong tatlo? Tanong ng isang bahagi ng kanyang utak.

Of course not! Ayoko lang na magkaroon ng stepmom si Jacky at maging close sila kung sakaling ikasal man sina Andy at Steven. Gusto ko, akin lang ang anak ko! Defensive naman na sagot ng isa pang bahagi ng kanyang utak.

She gently shook her head to storm those thoughts away. Shit! Nagiging praning na yata siya. Kakakilala niya pa lang kay Andy pero kung anu-anong ka-negahan na ang naiisip niya.

PLEASE BE MINE...AGAIN (Completed/Editing)Where stories live. Discover now