Epilogue

84.3K 1.8K 248
                                    


Kung libre ang mangarap, nakailang libre na sana ako - Jules

-----

Kaetlyn Julianne

" Jules halika na. Start na iyung meeting" Tawag sa akin ni Badet na ngayon ay sales manager ko.

May mga reports na nakatambak sa mesa ko kaso hindi ko pa nababasa. Ni hindi ko nga alam kung ano ang pag-uusapan namin ngayon.

Sino ba kase ang nagpatawag ng meeting? It can't be dad dahil nasa hawaii siya ngayon kasama si mama.

" Don't tell me, magmumukmok ka lang diyan sis. Si Gino darating, hindi ka ba magpapaganda manlang? Aba'y kung ako sa 'yo stop na ako sa kakahintay kay Mr. Zarate dahil mukhang kinalimutan ka na non at feeling ko wala ng balak bumalik iyon ng Pilipinas" Napanguso ako sa sinabi ni Badet. Kung itusok ko kaya sa kaniya 'tong bolpen na hawak ko at ng tumigil na siya sa kakadada.

" Iyung limang puting folders na iyan, nabasa mo na ba?" Tanong niya pagkatapos.

" Hindi. Tinatamad ako" Tanging sagot ko nalang.

She gave me that bitch smile that I am already used to.

" Edi wow ikaw na ang boss. Siya nga pala, natanong ko na din actually si Lyndon kung may balita ba siya kay Miggy, ang tanging sagot niya ay wala. Pero ngayong umaga lang ay nagulat ako ng tanungin ka niya sa akin kung kamusta ka na daw. Shempre ang sagot ko okay ka lang. Pero nakakapagtaka lang kase parang may something eh." She said. Hay nako, kung ano ano na naman kase iyang nasa isip na naman ni Badet.

" Nag-ooverthink ka na naman diyan Badet. Baka kinulang ka lang sa kape kaya tinotopak na naman iyang intuitions mo in life. May pa I think I think ka oang nalalaman diyan eh" Wika ko na lamang bago tumayo at mukhang late na kami sa meeting.

Dumiretso na kami ni Badet sa conference room para masimulan na iyung meeting. Pagkarating namin dun ay halos kumpleto na ang lahat ng board. Pansin kong may isang bakanteng upuan. My secretary is absent today. May sakit kaya hindi ko na pinapasok. Nakita kong lang sa sched ko na meeting pala ako ngayon kaya pumasok ako ng opisina. Tinignan ko sa notes sa akin ng sekretarya ko kung sino iyung darating pero blangko. Walang nakasulat na pangalan.

" Sino pang hinihintay natin? Are we still waiting for someone?" I asked as I sat down. One director took my attention.

" Yes, Ms. Carson. We are waiting for Mr. Zarate to come" Agad na lumaki ang mga mata ko sa pangalang narinig ko. Am I hearing it right? What the heck! Ba't darating iyung Zarate na iyun ngayon? Hindi ako nag-ayos! Nakalimutan kong magpabango!

Hindi na ako mapakali matapos banggitin ni Mr. Martin ang pangalan ni Miggy.

I sat down. I composed myself and tried to relax. Kahit ang totoo niyan ay parang may concert na sa puso ko dahil sa lakas ng pagtibok nito.

" Are we going to wait for Mr. Zarate? Or we shall start then the meeting Ms. Carson" Ms. Chu asked.

" I think Mr. Zarate will be late but we need a quorum before we could start the meeting" Ms. Ganda suggested.

" I agree with Ms. Vice. Mr. Zarate is the sole reason for this meeting. It is but important that we wait for him. Besides hindi naman siguro magtatagal si Mr. Zarate" Ms. Locsin supported Ms. Ganda's statement.

Hindi nagtagal ay dumating na ang panauhin na hinihintay ng lahat.

My eyes were glued on the man who held supremacy and vigor. Kadarating lang niya at mukhang may balak.

Unmasked Deceit (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon