4 : YMNPPMPMO

50.8K 1.5K 97
                                    


'Yung masakit na talaga pero pinipilit mo paring maging okay - Jules

-----

Kaetlyn Julianne

Nasa Venice restaurant na kami at kasalukuyang nagbibigay ng orders.

" Baby what's your order?" Rinig kong tanong ni Miggy kay Aya.

Aya told Miggy a particular dish that is pure vegetables.

" How 'bout you, Jules?" Tanong din niya sa akin.

" Pork chop" Sagot ko. Ang sarap kaya ng porkchop. Kaya ako tumaba eh, napabayaan ako sa kusina. Iyung porkchop nalang ang naging paborito ko.

Nakita ko kung paano napatawa si Aya sa sinabi ko pero balewala nalang iyun sa akin. Sanay na akong mapagtawanan.

" Pork chop nalang din sa akin" Sagot ni Badet na siniko si Lyndon.

" Ako din pare" Wika din ni Lyndon.

Tumayo na ako.

" Sige, I'll order" Saad ko. Tumayo na din si Miggy at sinamahan ako.

" Ikaw, anong order mo" Tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin bago nagsalita.

" Pareho sa order mo" Wika niya.

Tumingin ako sa waiter.

" Apat po na porkchop tapos isang vegetable salad" Saad ko sa waiter.

Naramdaman ko yung kamay niya sa bewang ko sabay pisil sa taba ko. Kainis!

" Ang cute cute talaga ng bestfriend ko" Bulong niya sa malambing na boses.

" Tigilan mo ako, Zarate. Hindi ako natutuwa" Saad ko.

" Ma'am any aditional orders po" Tanong sa akin nung lalaking waiter.

" Wala na" Sagot ko

" You sure? Baka gusto mo pa ng extra rice" Tila ba nanlolokong wika ni Miggy.

" Wala na nga" Sagot ko sa kanya

" Extra rice, please" Wika naman ni Miggy sa waiter.

" Ang kulit nito. No extra rice sir" Wika ko sa waiter


Naiinis akong tumingin kay Miggy. Iyun tuloy, nalito na yung waiter kung ano ba talaga.

" Ang sweet niyo po tignan" Saad nung lalaking waiter sa amin.

" Ay hindi po kami ano. Friends lang kami ganon" Sagot ko naman. Alam ko namang hindi kami bagay.

" Ay ganon po ba ma'am. Sorry po. Ang sweet niyo po kase mag-away" Saad nung waiter na ikinatuwa naman ng Zarate na 'to.

Minsan ganito 'tong Zarate na 'to kapag tinopak.

Tumawa siya at iniwan ako. Kainis siya.

Nauna na siyang umupo sa table namin at tinabihan si Aya. I saw him kiss her forehead. Napalunok ako ng wala sa oras bago ibinalik ang tingin sa waiter.

" See, told you. Hindi kami kase hanggang kaibigan lang kami. Kita mo nga diba, sa taba kong 'to" I joked.

" Pero alam niyo ma'am, masbagay kayo ni sir. Hindi naman kayo mataba ma'am. Iyun nga lang malaman talaga kayo" Wika niya. Pinaganda pa niya.

" Asus nambola ka pa. Sige na ipunch mo na iyung order namin" Saad ko sa babae. Magpapaalam na sana ako ngunit nagulat ako ng maramdaman ko ang braso ni Miggy sa batok ko.

Unmasked Deceit (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon