12 : PSPKASGNAN

55.7K 1.6K 233
                                    


Pati sa panaginip ko ay si Gino na ang nilalaman - Jules.

-----

Miggy

I miss her. Gustong gusto ko siyang makita ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero gustong gusto ko siyang makita ngayon. I just miss her somehow. And I badly want to see her. Ang alam ko lang ay gusto ko siyang mayakap. Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makausap. Gusto kong marinig ang boses niya. Gusto kong masilayan ang ngiti niya. Gusto ko siyang makasama. Gusto ko siyang makasama.

I called her.

Nagriring ang phone niya pero hindi niya ako sinasagot. Tinatawagan ko parin siya kahit hindi niya ako sinasagot.

I sighed as I took my car keys.

I really want to see her so bad. Hindi ako makatulog dahil gusto ko siyang makita. I cannot even rest because all I was thinking is to just hug her.

Kahit ngayong gabi lang ulit. Gusto ko lang siyang mayakap at makita.

Kaetlyn Julianne

Gabi na ng makauwi ako. Pagod ako dahil kung saan saan na kami pumunta ni Gino.

Hindi pa man ako nakakarating sa loob ng kuwarto ko ng makatanggap ako ng text message mula sa kanya.

" Goodnight, Kaetlyn. I had a really nice day with you. Hope to have more days like this with you ahead." Basa ko sa text message na nanggaling sa kanya. Kinilig tuloy ako.

" Goodnight din. Nag-enjoy ako ngayong gabi" I replied.

Pagkatapos kong magreply sa kanya ay nagshower na muna ako. Medyo malagkit na din kase ang pakiramdam ko.

Kinuha ko agad iyung phone ko para tignan kung may text message si Gino pero kay Miggy galing iyung nareceive ko.

" Goodnight, Jules ko. I miss you" Basa ko sa text message niya. Napaisip pa talaga ako dahil sa text message niya pero sa huli ay hinayaan ko na lamang ito. Wala naman na kase akong sasabihin.

He misses me but his actions clearly shows he doesn't. If only he knows that I am in that process of mending my broken heart. If only he knows that I wish I could not see him. Mahirap kase magmove one kung palagi mong nakikita ang lalaking dahilan ng pagmomove on mo. Pero masmahirap iyung nagmomove on ka kahit hindi naman naging kayo. Para tuloy akong naging tanga pero iyun ang totoo.

Hinayaan ko na lamang ang aking phone na ganoon. A minute passed and I received a call from him but I didn't answer. I just stared at it. Kung noon ay atat na atat akong sagutin ang mga tawag niya para lamang marinig ang boses niya, ngayon ay natututo na ako.

Friendship is the only thing I wanted to preserve. Kahit sana iyung pagkakaibigan manlang namin ay magawa kong isalba. But it already comes with boundaries. My friendship with him now comes with boundaries. Hindi lahat ng gusto niya ay masusunod.

Ngayon ay unti unti ng natuto ang puso ko na hindi sa lahat ng bagay ay kailangang nandiyan ako para sa kanya. Na kahit na nasasaktan na ako ay nagpapakamartir parin ako.

Patuloy parin sa pagring iyung phone ko pero hindi ko na ito sinasagot. It's already nine in the evening and I bet he's already home.

Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng aking sarili. I still need to read some handouts in preparation for tomorrow. But the ringing of my phone didn't stop and it bothers me.

Unmasked Deceit (Completed) [R-18]Where stories live. Discover now