20 : KSKBTNMBASNNK

55.5K 1.3K 325
                                    


Kapag sinabi ko bang tama na, matatapos ba ang sakit na nararamdaman ko - Jules

-----

Kaetlyn Julianne

Sa mga mata ni tita Sabina, kitang kita ko kung paano siya tumingin sa akin.

Napahawak si Aya sa kanyang dibdib dahil biglaan ay hindi siya makahinga. Nilapitan agad siya ni Miggy.

Kahit sobrang sakit ng aking puso ay binalewala ko muna iyon dahil sa kalagayan ni Aya. Ako na ang kumuha ng basong tubig para kay Aya.

" Hin-hindi ako makahinga" Nahihirapang wika ni Aya. Concern was plastered on Miggy's face. Sino ba naman ang hindi mag-aalala sa kalagayan niya

" Let's bring her to the hospital" Wika ni tita Sabina ngunit umiling si Aya.

" Hindi na po tita. Miggy pakikuha naman nung inhaler ko sa kotse" Nahihirapang saad ni Aya. Mabilis na tumango si Miggy at umalis kaagad.

Inalalayan namin ni tita Sabina si Aya upang makaupo ng maayos. She was catching her breath. Right there and then, I know that she's asthmatic.

Mabilis na nakabalik si Miggy dala ang inhaler ni Aya. She immediately inhaled through it. It took her more than a minute for her breathing to normalize.

Inilahad ko sa kanya ang tubig na aking kinuha na agad niyang tinanggihan. Wala akong imik at hinayaan na lamang siya. Inilapag ko na lamang iyung baso ng tubig sa may counter.

Alam kong nakatingin si Miggy sa akin ngunit hindi ako tumingin sa kaniya.

Masyado ng masakit ang nararamdaman ko para tumingin pa sa kanya.

Babae ako at alam ko ang pinagmumulan ng sakit na nararamdaman ni Aya. Naiintindihan ko kung masama ang loob niya sa akin. Tanggap ko na ako ang nagkamali ngunit sa kabila ng lahat ay gusto ko ring ipagtanggol ang aking sarili.

I don't deserve that slap.

Sabina

History

I see myself in Julianne. Ang kaibihan lang namin, hindi ako kinamuhian ni Lianna sa kabila ng ginawa ko sa kaniya.

Alam ko kung ano ang nararamdaman ni Julianne. Alam kong nasasaktan siya. I want to blame my son. Alam kong siya ang may kasalanan ng lahat ng ito pero hindi ko magawa.

Love is war

Kahit gaano pa kahirap. Kahit gaano pa kasama, kung mahal mo ang isang tao, wala kang pakialam. And that's precisely what my son is doing right now.

He knows that he is hurting two women. Kagaya ng kaniyang ama ay ganito din si Miggy. I somehow see Miguel in him twenty years ago.

Hinayaan na muna namin sina Miggy at Aya. I urged Julianne to come with me at the garden.

Behind those eyes are a thousand of tears

Deep in that chest, is a bleeding heart.

Lahat iyon alam ko. Kahit hindi sabihin sa akin ni Julianne, alam ko.

Ako ma'y nasasaktan ako para sa kanya.

Her right cheek is so red because of Aya's slap.

Tahimik lang siyang nakamasid sa mga bulaklak na tanim ko.

" Seems like my son is so inlove with you to hurt Aya's feelings Jules" Panimula ko. Umiling kaagad siya. I know that it's a sign of fear. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong natatakot siyang sumugal.

Unmasked Deceit (Completed) [R-18]Where stories live. Discover now