2 : MIKNNPSITGK

58K 1.6K 137
                                    


Minsan iniisip ko nalang na para sa iyo 'tong ginagawa ko - Jules

-----

Kaetlyn Julianne

Pagod na ako ng makauwi ako sa bahay. Nadatnan ko si mama na kauuwi lang galing trabaho. Dad is still in the office since his car is not yet parked in the parking lot.

Si mama ang palagi kong pinagsasabihan ng mga problema ko. Sa pagiging heart broken ko dahil kay Miggy, alam niya iyon lahat.

" Kamusta ang pag-aaral, anak" Pangungumusta ni mama habang umiinom ng tubig. Pareho kaming nasa kusina ngayon. Nakasanayan na naming umupo dito saglit at mag-usap.

" Mabuti naman po. Ngayon lang ako nakauwi kase sinamahan ko si Miggy na bumili ng hikaw na ireregalo niya sa date niya mamayang gabi" Saad ko kay mama. Napanguso ako. Buti pa kase si Aya binilhan ni Miggy ng hikaw. Kailan kaya niya ako bibilhan din ng hikaw?

" Huwag ka ng masaktan dun anak. You know I always tell you this. You are beautiful anak. At kung hindi iyun nakikita ni Miggy, malas siya. A better man is just out there waiting for you. Iyung bang tatanggapin ka ng buong buo. A man who will love you whole heartedly. Kaya huwag ka ng masaktan anak." Wika sa akin ni mama. Simula pagkabata ko, alam na niyang crush ko iyung si Miggy.

Siya ang tinagurian kong Captain America ng buhay at mananatiling siya lang iyon. Kahit anong mangyari. Umulan man ng yelo, matunaw man ang Mt. Everest, pumutok man ang Mt. Mayon, mabuhay man ang megalodon, lumipad man ang mga pagong, siya parin ang nag-iisang Captain America ng buhay ko.

Pinatong ko sa mesa yung payong na gagamitin kung sakali mang umulan. Tag-ulan kase ngayon kaya shempre, naghanda ako nun.

" Kadarating mo lang anak, aalis ka kaagad?" Tanong sa akin ni mama.

Tumango ako.

" Oo ma eh. Kailangan ni Miggy ng back up dun. Ako lang maaasahan nun dun ngayon eh" Tinapos ko na muna yung iniinom kong tubig bago ako muling nagpaalam para umalis.

Gaya ng sinabi ko kay mama, nang lumabas ako ng bahay ay umuulan na nga. Sinundo ni Miggy si Aya kaya naman ay hindi niya ako masusundo ngayon. Pero okay lang sa akin wala namang bale iyun.

Nagtaxi na ako papunta sa meeting place. Bilib din ako kay Miggy at talagang magaling din siyang mamili ng lugar kung saan sila magdedate ni Aya.

" Wow" Namangha ako sa nakikita ko ngayon. Puro ilaw. Ang ganda ng dekorasyon nila. Hindi ko nga lang alam kung sino ang nag-ayos nun. Malamang ay sina Badet ang gumawa nun, girlfriend ng kaibigan ni Miggy na si Lyndon na kaibigan ko na rin.

Saktong dumating rin sina Lyndon kasama si Badet. Dala nila yung mascot na isusuot ko. Tonight I will be wearing bugs bunny's mascot.

" Eto na ba yun!" Masaya kong wika kay Badet.

Napanguso siya

" Para sa kaibigan kong gagawin ang lahat para sa kanyang Joaquin" Wika sa akin ni Badet.

Napangiti ako.

" Game na guys." Saad ko sabay kuha nung mascot na isusuot ko.

Pumasok ako sa comfort room para magpalit. Medyo malawak naman yung CR kaya hindi ako masyadong nahirapan na mag-ayos.

Inayos ko yung aking buhok at pinusod ito.

Tumingin ako sa salamin na nasa harapan ko.

Tipid akong ngumiti.

Unmasked Deceit (Completed) [R-18]Where stories live. Discover now