Prologue

162K 1.7K 147
                                    


Kaetlyn Julianne

" Kaetlyn, alam kong sobra sobra na ang hinihiling ko sa 'yo. Pasensha ka na at ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko sa bagay na ito" Madamdaming wika sa akin ni tita Sabina, ina ni Miggy.

" My son is already a grown up man but still he doesn't act like one. Your tito Miguel doesn't seemed to be bothered at all about Miggy's behavior. Ang sabi ng tito mo, titino lang daw ang anak namin kapag ang babaeng mahal niya na ang usapan" Tuloy na wika sa akin ni tita Sabina. Napakunot noo ako. Babae? E ang dami nga niyang babae tapos hanggang ngayon hindi parin siya tumitino.

" Ano pong gusto niyong gawin ko tita?" Tanong ko. Kilala ko si Miggy, sobra sobra ang pagiging bad boy nun at halos wala ng sinasanto. Parang wala ngang kinakatakutan ang Zarate na yun eh.

" Find him a woman whom he will fall in love" Untag sa akin ni tita. Malabong mangyari iyon. Ngayon pa nga e hindi ko alam kung saan ko hahagilapin ang babeng iyon. Sino sana? Sinong babae ba ang makakapagpatino ng isang bad boy na ang pangalan ay Riel Joaquin Zarate? Saan ko hahagilapin ang babaeng iyon?

" Fall in love, tita? E malabong mainlove si Miggy tita. Oo marami siyang babae pero tita naman, saan ako magnanakaw ng babaeng uso sa panlasa niya? E iyung taste nun mga babaeng pang hour-glass ang katawan, malaki ang boobs, matambok ang puwet" In short, lahat ng wala sa akin. Sino ba naman ako? Yung katawan ko coke in can. Wala rin akong boobs. At mas lalong hindi matambok ang puwet ko. Di hamak na isang matabang babae ako na nakaeye glass at nakabraces pa. Kahit crush ko yung Zarate na iyun alam ko naman na wala akong pag-asa dun. Siyempre maghahanap yun ng maganda, sexy, yung maganda ang ngiti, yung maganda ang buhok, yung bang maipagmamalaki niya.

" Ikaw nalang kaya" Si tita talaga. Natawa tuloy ako.

" Tita naman. Alam mo namang talo na tayo diyan. Give up na tayo diyan tita. Ako nga 'di na umaasa. At chaka kapag sana gusto ako non edi sana noon pa naging kami" Kababata ko si Miggy. Simula nursery, kindergarten, elementary, high school hanggang ngayong kolehiyo na kami. Kaya ayun, tanggap ko na na hanggang kaibigan lang kami.

" Kung sana hindi bulag ang anak kong iyon at ikaw nalang" Si tita talaga eh no. Buti pa siya at bet niya ako.

" Dibale na tita, hayaan niyo at ihahanapan ko iyang kaibigan ko na iyan at ng magtino na. Tita mukhang luto na ata 'tong adobo natin" Masaya kong baling kay tita. Tuwing sabado kadalasan ay nandito ako sa mansyon ng mga Zarate. Tinutulungan ko si tita na magluto, magbake ng cake at kung anu ano pa. Palagi akong in demand sa bahay ng mga Zarate tuwing sabado. Pero isa lang naman talaga ang gusto kong dinadalaw dito. Iyung kaibigan kong ubod ng tamad, ubod ng feeling.

Napatingin ako sa may bandang kaliwa ko at nakita ko ang bulto ng isang lalaking kagagaling lang sa paglalaro ng basketball sa labas.

" Jules my love! You're here!" Napasimangot ako. Lumapit siya sa gawi ko at niyakap ako mula sa likuran bago hinalikan sa labi. Huwag na kayong magtaka at gawain niya talaga iyon. Asus wala ng bago dun.

" Mom" Tumingin siya sa kanyang ina.

" Pawisan ka na naman Miggy. Maligo ka na at ihahanda na namin ang mesa para makakain na tayo. Call your dad" Si tita na ang nagsabi.

" Sure mom! Oh Jules my love alis muna ako. Baka hanapin mo ako" Buwiset talaga. Ganyan ang araw araw na nangyayari sa amin. Palibhasa alam niyang hindi ako pikunin kaya ganon.

" Sure, alis na Miggy my loves" Baling ko sa kanya na may halong asar.

Kumindat pa siya sa akin bago tuluyang umalis.

Tumingin ako kay tita Sabina na nakangiti lang.

" Kita mo iyun, Kaetlyn. Kung hindi ko lang talaga kilala ang anak ko baka pagkamalan ko kayong mag-asawa na. E sayo lang naman ganyan ang anak kong iyan eh. Ewan ko ba at hindi parin nanliligaw" Tila ba nagtatakang wika sa akin ni tita Sabina.

" Hay nako tita huwag na kayong magtaka, ganon talaga iyun. Palibhasa siguro sanay na sa presensha ko" E halos magkasabay na kaming lumaki ni Miggy. Pati siguro mga araw ng regla ko memoryado na niya.

-----

Riel Joaquin Zarate

And

Kaetlyn Julianne Carson

~📖~

A/N : Special thanks to ny sister Samantha (a.k.a Twightzielike) for lending one of her characters. Kahit ayaw niya yung ideya na ginawa kong mataba si Kaetlyn sa kuwento ko.

~📖~

This has been written with some explicit scenes, written nudity and vulgar words inorder to justify the roles of the characters. This is for mature readers, I guarantee you that some chapters contain amatory scenes. You know what I'm pertaining to, nevertheless I've warned you.

For whatever reasons, please be guided that the things written will stay only in your imagination. Never attempt to try on doing such when you know it's not yet appropriate.

This story hasn't been based on real life scenarios. Any names, characters, places and incidents here are just products of the author's imagination. Any resemblance to actual events or locales, persons living or dead is entirely coincidental.

In addition, I don't own any images supporting the story. Credits to the owner.

Unmasked Deceit (Completed) [R-18]Where stories live. Discover now