3 : MMPNHKMMPOLBPSY

51.8K 1.5K 68
                                    


May mga pagkakataong hindi ko mapigilang masaktan pero okay lang basta para sa 'yo - Jules

-----

Kaetlyn Julianne

Maaga akong pumasok. Dati hindi naman, kailangang hintayin ko si Miggy. Ngayong umaga hindi ko na hinintay si Miggy. Kadalasan kase sabay kaming pumapasok sa school ngunit kaninang umaga lang ay inagahan ko talagang pumasok para hindi na kami magkasabay. Dumiretso na lang ako dito sa library habang maaga pa.

Maaga nga talaga dahil wala masyadong tao sa library. Mukhang ako lang at yung librarian yung meron sa library.

Inoff ko na din kase yung phone ko. Hindi ako bitter, sadyang masakit lang talaga para sa akin. Kailangan ko lang naman ng konting panahon. I just need a little time to accept everything. Konting panahon lang ang hinihingi ko. After this, I promise myself that I won't cry because of him anymore. I will move on. He's still my bestfriend. Hindi naman magbabago iyon. Siya parin ang Captain America ng buhay ko.

" Ang aga niyo naman po ma'am" Wika sa akin nung librarian. Napangiti ako.

" May assignment kase akong gagawin" Wika ko na lamang sa librarian sabay baling ko sa binabasa ko.

Assignment? Really, Jules. Anong assignment sa pagbabasa ng komiks umagang umaga, Jules. Untag ko sa aking sarili.

Naaliw ata ako sa binabasa ko dahil hindi ko napansin na 8 oclock na. Shit!

Binilisan ko ng gumalaw. Shit talaga. Five minutes nalang alas otcho na. May close door policy pa man din yung instructor ko ng first subject. Mabilis akong nagpaalam sa librarian at umalis agad.

Nagkanda ugauga na ako sa paglalakad dahil sa pagmamadali. Ni hindi ko na napapansin ang dinadaanan ko. Iyun tuloy, may nabangga ako. 

" Hala sorry po" Paumanhin ko. Nalipad na yung hawak kong papel. 

" No it's okay. I'm sorry" Napatingin ako sa lalaking nagsalita.

" Ha" Wika ko.

" Looks like you're late, Miss. Tapos nabangga pa kita." Untag nung lalaki sa akin sabay lahad nung mga papel na pinulot niya. Parang siya na yung pumulot nung mga papel na nahulog dahil nahihirapan ako. Ang taba ko kase kainis.

" Gino nga pala" Pakilala niya.

" Kaetlyn" Ngumiti parin ako kahit hinihingal na. Ang taba ko kase.

" O my gosh those bilbils are bouncing" Rinig kong saad nung isang babae. I sighed. It's okay Jules. Wika ko sa aking sarili. Dibale ng mataba basta mataba din ang puso. Hindi ko na pinansin pa yung mga babaeng nagsasalita.

" Saan ang classroom mo, tulungan na kita sa hawak mo" Untag sa akin ni Gino. Tinanggihan ko siya ngunit nagpumilit ito.

" Sige na nga" Wika ko. Ngumiti siya at sinabayan akong naglakad.

" You know what you're pretty. And pretty girls like you doesn't deserve to be bullied just because their fat." He casually said. Napatingin tuloy ako sa kanya.

" I saw and heard what those girls told you awhile back and it amazed me that you did not even bother to talk back at them. I know you don't want to be told that way. It hurts when you hear it. If you're interested, I want to help" He said.

Ngumiti siya.

" Looks could be deceiving but I'm not this fit before. I was 80 kilos two years ago." He still managed to tell me.

Unmasked Deceit (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon