15 : MKGSAATANK

56.8K 1.4K 192
                                    


Mahal kita Gino Stefan Ayala at totoo ang nararamdaman ko - Jules

-----

Aya

The pain of losing him was unbearable. Paulit ulit kong tinatanong sa sarili ko kung saan ako nagkulang. Bakit siya nakipagbreak sa akin? Kulang pa ba ang pagmamahal ko sa kanya? Ano pa ba ang kailangan kong ibigay? What else should I need to give him to stay with me?

Last night he called me. Nagising ako sa aking pagtulog dahil sa kanyang tawag. It was past three oclock when he called me just to break up with me. That was my worst nightmare. Hindi ko kinaya ng mga sandaling iyon. I thought it was all just a dream but it turned out that it was all real. At totoo lahat ng nangyari kagabi. Gumising ako kanina na masakit ang puso ko. Hindi na ako nakatulog ng maayos dahil sa sinabi sa akin ni Miggy kagabi. Hindi ako pumayag.

Hiningi ko ang dahilan niya pero maslalo lang akong nasaktan sa naging sagot niya.

So it's Julianne all this time. Kaya pala kahit gustong gusto kong may mangyari sa amin ay walang nangyayari. Everytime we are about to have sex, he stops in the middle and tell me his apology because he cannot do it. Hindi pa raw siya handa.

Inaamin ko, masakit ang loob ko. I felt betrayed. I felt like he didn't even fight for me. Pero paano nga naman niya ako ipaglalaban kung sa una palang pala talo na ako. Para akong pumasok sa isang relasyong talo na ako. Pumasok ako sa isang relasyong masasaktan ako.

I know that I deserve better than this. Wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin siya, ibigay ang lahat lahat sa kanya pero sa huli, si Julianne parin ang pinipili niya.

Noon pa man ay nararamdaman ko ng may iba kay Miggy kung si Julianne ang pinag-uusapan. Iba ang kanyang pakikitungo sa lahat ng malapit sa kanya. Nong kami pa ay ni minsan hindi siya nagselos sa lahat ng lalaking lumalapit sa akin pero nung si Julianne na ang nilapitan parang umiba ang ihip ng hangin. He seemed to be someone determined to commit murder.

Napahawak ako sa aking puso. Ang sakit sakit na at halos hindi ako makahinga ng maayos.

Bata palang ako ay pabalik na kami sa ospital. I was diagnosed to have a weak heart. Bawal ako sa matinding emosyon. I cannot take too much emotions.

I was also diagnosed with asthma since childhood.

Hikain ako at hindi alam ni Miggy. He also doesn't know that I have a heart disease. At wala akong balak sabihin iyun sa kanya. I don't want him to pity me just because I have a weak heart.

Pero kahit ginusto na niyang makipagbreak sa akin ay ipaglalaban ko parin siya. Mahal ko eh. Siya lang ang lalaking minahal ko ng ganito. Siya lang ang lalaking pinagbigyan ko ng puso ko at handa akong ibigay sa kanya ang lahat lahat ko. But he doesn't want everything that I can offer him. He only wants a few. But there's one thing I am sure of, he loved me. Minahal niya ako. Iyun nga lang at simula palang ay masminahal niya si Julianne. He may not have realized it yet but I already saw it in his eyes. Masaya siya kapag kasama niya ako pero masmasaya siya kapag nakikita niya si Julianne. He laughs so hard at Julianne's simple gestures that are quite awkward and funny. He smiles a lot when he is with her. Sa katunayan pa nga ayaw niya akong isama kung gusto niyang lumabas kasama si Julianne pero kapag kami naman ay gusto niya meron si Julianne. Those simple things, he tend to disregard its worth. Hindi ko lubos maisip kung ano nga ba ang dahilan kung bahit nagkakaganito na siya ngayon. I don't have a concrete reason why.

I've waited for him this morning but minutes past, no Miggy came to fetch me. Alam ko namang mabilis ang lahat. He broke up with me over the phone and the next morning, it seemed like there was never an us. Ganon lang kabilis magbago ang lahat. At nasasaktan ako dahil ganon lang kadali para sa kanyang itapon ang lahat ng meron kami.

Unmasked Deceit (Completed) [R-18]Where stories live. Discover now