7 : GPAPKN

54.3K 1.5K 121
                                    


Ganito pala ang pakiramdam kapag nililigawan. - Jules

-----

Kaetlyn Julianne

Basta hinayaan ko na lamang si Miggy. Kahit naman anong gawin ko wala rin naman akong magagawa. Kung ano ang gusto niya, iyun ang masusunod. That's precisely how everything works with him.

This night did not end the way I wanted it to be. Hanggang ngayon ay hindi parin umuuwi si Miggy. Halos alas nueve na ng gabi pero nandito parin siya. He is still everywhere I am.

" Miggy umuwi ka na kaya" Pag-aaya ko sa kanya. Paano ba naman e nandito kami ngayon sa may mini gazebo sa bahay. Pareho kaming nakatingin sa swimming pool na sobrang kalmado.

" Ayoko." Tipid niyang sagot. Ni hindi ko nga alam kung bakit ba ayaw parin niyang umalis.

" Okay, kung ayaw mong umalis anong gusto mong pag-usapan natin?" Tanong ko sa kanya. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang braso niyang nilagay niya sa balikat ko.

" Tell me, masakit ba ang loob mo sa akin dahil niligawan ko si Aya? Ayaw mo ba siya para sa akin?" Biglaang niyang tanong. Hindi ko din alam kung bakit ganito ang mga tanong niya.

" Ano ka. Hindi no? Tinulungan pa nga kita eh na mapasagot siya" Saad ko naman sa kanya. Huminga siya ng malalim bago nagsalita ulit.

" Ako kase, hindi ko gusto na nagpapaligaw ka sa kanya" His voice was so serious and almost a whisper. It was as if he doesn't want me to hear it from him.

" Who? Kay Gino?" I countered back.

Napayuko siya ng tanungin ko iyon sa kanya.

" May iba pa ba bukod sa kanya?" Seryoso parin niyang tanong. Umiling ako.

" Siya lang naman." Makatotohanang sagot ko.

" Please decline his courtship, Jules. I don't want it" He whispered.

I stared at him. He did the same to me.

" I can't Miggy. I like him" Sagot ko. Nagulat na lamang ako ng biglaan siyang magtanggal ng damit at dumiretso swimming pool. He dived in the swimming pool in just a minute.

" Huy Migs! Ang lamig lamig na tapos andiyan ka. Magkakasakit ka niyan eh" Sagot ko.

He stayed still in the water. He was just there on the water. He positioned himself to a position mimicking a drowned man.

" Miggy naman eh. Tama na nga iyan!" Untag ko pero ayaw niya parin. Kaasar na talaga 'tong lalaking 'to. Mabilis kong tinanggal iyung tsinelas na suot ko at sinamahan siya sa pool.

Nang malapit na ako sa kanya ay biglaan siyang tumayo at hinila ako sa aking bewang. He encircled his arms on my waist.

He was literally hugging me from my back.

I was about to remove his hands on my tummy when he suddenly rested his head on my shoulder.

" I don't wanna lose you. Hin-hindi ko k-kaya" His voice was croaked. Para siyang umiiyak pero hindi ko masabi kung tama ba ang hinala ko. He hugged me tighter this time.

Unmasked Deceit (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon