Chapter 48

502 13 0
                                    

Chapter 48: Janine and Jane

Nang makababa kami ni Kath ay nagpaalam na ang ilan sa mga pinsan nito na aalis na dahil may importanteng bagay na gagawin at pupuntahan pa daw sila. I know they're busy persons. Mabuti nga at na isingit pa nilang pumunta dito. Ilang beses pa silang nagpaalam sa mga anak namin, mababakas mong tuwang tuwa sila dito.

Nandito kami ngayon sa living room, si Ate Jane, Janine at Kath. Ang mga bata ay kasama naman nila Skyler, Speed at Spyke.

Hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang sinabi ni Kath kanina, hindi ko maiintindihan kung ano ba ang ibig sabihin nito. But whatever it is, my vision towards her would never change. She still sweet and kind hearted Kath that I've known.

"Are you alright Amethyst?" Napatingin ako kay Ate Jane ng magsalita ito. Kaharap namin siya ni Kath at katabi naman niya ang kapatid na si Janine.

Ngumiti ako at tumango, she's wearing white dress that hugs her curves perfectly. Napaka ganda nito kahit walang kolerete ang mukha nito.

Habang pinagmamasdan ko siya ay napadako ang tingin ko sa kamay nito, mabilis na umuwang ang labi ko ng makita ang suot nitong singsing.

"Are you engaged ate?" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko ng tanungin siya. Hindi ko alam kung ano bang nangyari sa kanilang dalawa ni Cross sa nakalipas na apat na taon. Ugok man ang kapatid ko na 'yon pero alam kong sobrang mahal niya si Ate Jane, kitang kita ko 'yon dati e. And whenever they're together I couldn't help but to admired them, they looked so perfect. You could even see in their eyes how much they are in love with each other.

Her eyes glisten with love while staring at her ring. Dahan dahan itong tumango na may ngiti sa labi bago na tumingin sa'kin. "Yes. Your brother proposed to me five months ago."

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko, agad akong tumayo at niyakap siya ng mahigpit. Gosh! I'm so happy! Natatakot ako kanina sa posibleng isagot niya, na baka hindi na si cross ang lalaki nito sa buhay niya.

"Congrats ate. I'm so happy with you."  Ramdam ko ang pagyakap nito sa'kin pabalik.

"Thank you! I'm sorry kung hindi mo na naabutan pa."

Umiling iling ako bago na kumalas sa yakap. "It's okay ate. Ang mahalaga ay maabutan ko ang kasal niyo." Tumayo ako at bumalik sa pwesto ko.

"Maabutan mo talaga. Hindi naman matutuloy ang kasal namin hangga't wala ka. Your brother loves you so much Amethyst, you're special to him... to me. Hindi pwedeng wala ka sa napaka importanteng pangyayari sa buhay namin." My eyes widened in utter shocked when I heard her. Hindi ko akalain na maririnig ko ang mga katagang sinabi nito, I feel so special. Ang sarap pakinggan, para bang may humaplos sa puso ko.

"Salamat ate. Ugok man 'yon pero mahal na mahal ko din 'yon. Mabuti nga at nakayanan mong magtiis sa kapatid ko na 'yon." Tumawa sila sa sinabi ko.

"Yes. Kuya Cross is really funny and sometimes weird. I still remembered before, I think may konting misunderstanding sila ni Ate. Hinintay niya ako sa labas ng classroom ko, tinanong kung nakita ko daw ba si ate o alam ko daw ba kung nasaan siya. I answered him, nope. You know what he did? Bigla niya akong hinila at pumasok kami sa loob ng ladies restroom! Oh god! Ang dami pang girls na nasa loob pero parang wala lang sa kanya. Hiyang hiya ako that time, habang siya taranta ng naghahanap. Kung saan saan niya pa ako hinila para mahanap si ate. And I couldn't help but to asked him bakit namin hinahanap si ate sa loob ng campus e hindi naman siya student dito. Ate is already working! She's a dentist. Doon lang yata nag sink in sa mind niya na tama ako."

Tawa ako ng tawa habang nag kwe-kwento si Janine. Tangina talaga si Cross! Mas bobo pa yata kay black 'yon e. Hayop talaga ang kapatid ko na 'yon. Nakakahiya. Ang tanga tanga talaga nun. Sa'min tatlong magkakapatid ako lang yata ang matino sa'min.

Can't Fight His Feelings (Sebastian Series #2)  Where stories live. Discover now