Chapter 18

409 19 0
                                    

Chapter 18: Girlfriend

Amethyst POV

Mabilis kong binawi ang tingin ko. Umupo na kami sa table namin, at nagpapasalamat akong malayo kami sa kanila. Mabuti naman, baka ano na naman kasi ang gawin nun sa'kin. Ang OA niya as in.

Maka pag react akala mo jowa ko e! Ang suplado niya naman! Mabuti sana kung friendly siya pero hindi e. Akala mo babaeng may dalaw palagi. Saan ba nag mana 'yon? E mabait naman si tita fatty at si tito ashton.

"Tangina! Ba't nandito mga apo ng presidente?" Biglang usal ni black habang naglalaki ang mga mata nito na nakatingin sa pool. Sinundan ko ang tingin nito at umuwang din ang labi ko ng makita ang mga apo ng presidente. Sila yung kasama ni Spyke kanina sa Starbucks! Ang dami nila! 'Yong mg babae ang se-sexy! Kung lalaki lang siguro ako matagal ko na silang niligawan. Ang gaganda ng mga hubog ng katawan, tapos ang gaganda ng balat! Ang kikinis at ang puputi. Ni hindi pa yata sila nakagat ng lamok e.

"Ibig sabihin nandito din si Spyke?" Bobo talaga si cross kahit kailan. Natural! E magulang niya ang may ari ng hotel na'to.

"Whooo, hot girls. Especially the one who's wearing white two piece." Narinig kong sabi ni Lance.

"Her name is Kaye." Sagot ni black. Aba! Kilalang kilala niya ah?

"Mag kwe-kwentuhan nalang ba kayo diyan? Pwedeng umorder muna kayo bago kwentuhan?" Sabat ko sa usapan. Napatingin si cross sa likod ko at ngumiti ng malaki.

"Spyke!" Sigaw nito at mabilis na tumayo. Biglang nanlaki ang mga mata ko. Shit! Ba't ba ako kinakabahan?

ANO NAMAN KUNG NANDIYAN SIYA SA LIKOD KO?! ANO NAMAN KUNG NANDIYAN ANG APO NG PRESIDENTE?!

"Hi. Nice meeting you again." Rinig kong sabi nito at tumawa.

Ba't ang ganda ng tawa niya? Ba't ang sarap pakinggan?

"It's pleasure our meeting you." Napapikit nalang ako dahil sa sagot ni black. Tangina! Kahit talaga kailan ang bobo niya!

"Spyke. This is our cousins. Lance and Seth." Rinig kong pakilala ni cross.

"I'm Lance Collins. Nice to finally meet you."

"I'm Seth Collins. It's our pleasure to finally meet you."

"I'm Spyke Daniel Sebastian. Nice to meet you too." Sagot nito at nagkamayan sila.

"Amethyst! Tumayo ka nga diyan at mag hi ka naman. Wag kang bastos. Nakakahiya sa apo ng presidente." Bulong ni black.

"E ba't naman ako mahihiya? Ano naman kung apo siya ng presidente?"

"Wala ka talagang respeto. Tandaan mong siya yung nakabili ng bulaklak mo. Kung hindi niya nabili yun baka naulit ka na naman sa first year colleg--"

"Blah blah blah. Kahit talaga kailan ang daldal mo. Saan kaba ipaglihi ni Sydney?"

"Sa vagina ng baboy." Sagot nito at ngumisi.

"Ewww, dugyot ka talaga kahit kailan." Sagot ko at tumayo bago hinarap ang feeling jowa ko.

"Hi Spyke!" Nakangiting sabi ko. Tinignan niya lang ako ng seryoso bago bumaba ang tingin nito sa suot ko, unti unti na naman kumunot ang noo niya bago humarap sa'kin.

"If you guys don't mind you could join us in our table. I'll introduce you to all my cousins." Sabi nito ng hindi parin umaalis ang tingin niya sa'kin. Kitang kita ko ang pag igting ng bagang nito.

"Ha? Hindi! Okay lang kami dit--" Napatigil ako sa pagsasalita ng kurutin ako ng patago ni black.

"Of course Spyke! Tara na!" Tangina mo black! Silang apat ay halatang excited makilala lahat ng pinsang babae ni Spyke dahil nauna na silang naglakad papunta sa table nila Spyke. Take note! Iniwan nila ako mag isa kasama ang lalaking 'to!

Can't Fight His Feelings (Sebastian Series #2)  Where stories live. Discover now