Chapter 16

434 18 0
                                    

Chapter 16: Feeling Jowa

Amethyst POV

Kaninang madaling araw ay sinundo na nina papa, sydney at ng dalawa kong ugok na kapatid sina tita pia. Ngayon na kasi ang uwi nila! Tokneneng excited na talaga ako! Syempre kung excited ako, mas excited sina Black at Cross. Syempre palagi na naman silang mag ni-night out apat. Libre pa naman palagi ni Lance o 'di naman ni Seth ang gastusin. Tapos ako maiiwan naman mag isa dito sa bahay. Syempre hindi naman ako makakapayag, may nabubuo ng plano sa utak ko.

Dahil nga wala pa naman sila ay lumabas muna ako ng bahay at pumara ng tricycle, balak ko kasing bumili ng mangga. Kahapon ko pa gustong kumain ng maasim, kapag ganito ibig sabihin paparating na ang regla ko.

Nakasuot ako ng maiksing ripped short at isang black plain spaghetti top.

Nang maibaba ako ng driver sa palengke ay hindi niya tinaggap ang bayad ko.

"Salamat!" Nakangiting sabi ko. Kung sinuswerte ka nga naman o! Pangdagdag pa to mamaya sa pustahan ng lol!

Bumili ako ng dalawang kilo ng mangga, pumasok din muna ako sa isang mall dito kasi gusto kong bumili ng bagong case para sa cellphone ko.

Habang namimili ako ng case sa cellphone ko ay hindi ko maiwasan na makinig sa dalawang babaeng na nag uusap sa tabi ko.

"Ngayon ko lang sila nakita sa personal! Ang popogi at ang gaganda talaga nila!" Sabi ng isa.

"Oo nga! Pero mukhang kulang sila ano? Wala yata si Spykie, diba 13 sila magpipinsan? 12 lang sila kanina eh." Sagot naman ng isa.

"Oo! Pero sayang 'di ako nakapag papicture kanina! Ang daming body guards na naka bantay eh."

Nang nakapili ako ng tatlong iba't ibang case ay mabilis ko itong binayaran. Lumabas din ako ng shop kasi naririndi na ako sa pinag uusapan ng dalawang babaeng 'yon. Ang lakas ng boses nila! Kung makapag kwentuhan e akala mo nasa kanto lang.

Pumasok din ako sa Starbucks. Alam niyo na, may natira pa namang pera sa binigay ng mga kasamahan ni papa sa'kin. Baka isipin niyong first time kong pumasok dito, syempre hindi. Alam niyo namang feeling RK sina Black at Cross kaya kapag nagkakasama kaming tatlo sa paggagala ay dito sila palaging kumakain. Syempre hindi nila ako nililibre, mga kuripot yun e. Palaging KKB nangyayari. As in Kanyang Kanyang Bayad.

Pagkatapos kong umorder ay umupo na ako sa bakanteng upuan. Hinihintay ko nalang na tawagin ang pangalan ko, habang hinihintay ang inorder ko ay naglaro muna ako ng ML sa cellphone ko.

Nang tawagin ang pangalan ko ay tumayo ako ng mabilis at agad itong kinuha, hindi pa naman ako nakakabalik sa upuan ko ng mapalingon ako sa entrance ng Starbucks ng makita ko si Spyke. Hindi lang siya ang nagiisa ang dami niyang kasama na magaganda at ang popoging nilalang. Napahinto din si Spyke ng makita ako, kitang kita ko kung papano kumunot at umigting ang panga nito habang nakatingin sa kabuoang katawan ko.

"Hey! You okay Spyke? Sino ba ang tinititigan mo?" Rinig kong tanong ng isang lalaki sa kanya. Mabilis akong nakabawi ng tingin at bumalik sa inuupuan ko. Tangina! Sino ba ang mga kasama niya? Ba't ang gagandang lahi?

Nataranta ako ng makitang lahat sila ay umupo sa tabi ko kaya ang manggang nasa ibabaw ng mesa ay isa isang naglaglagan. Mahina akong napamura!

Jusmiyo!

Tumayo ako at isa isa itong pinulot, yung tatlong mangga ay napunta pa sa gawi nila. Kukunin ko na sana ito, ng biglang may humatak sa braso ko at pinatayo ako.

Biglang bumungad sakin ang galit na galit na mukha ni Spyke.

"What do you think your doing woman? Alam mo bang halos makita na ang kaluluwa mo? Look at your clothes!" Galit na galit na sabi nito at pinagmasdan ang kasuotan ko.

Can't Fight His Feelings (Sebastian Series #2)  Where stories live. Discover now