Chapter 23

429 18 0
                                    

Chapter 23: Varsity Jacket

3 am ng byumahe kami patungong airport. Nasa isang van kami, at si papa ang nag dra-drive. Ni-rent niya 'to para mag kasya kaming lahat. Sumama din si sherly at sydney para maipahatid kami.

Hindi ko alam pero talagang nalulungkot ako, mabuti nalang talaga at kasama ko din sina cross at black para kahit papano hindi ako magiging boring don sa manila. Hindi yata buo araw ko kung hindi marinig ang english ni black at makita ang tangang si cross.

Nang makarating kami sa airport ay mas lalo lang akong nalungkot. Ibinaba na ni papa ang mga bagahe namin at kinuha naman ito ng mga lalaki.

"Mag iingat kayo don ha, kung may problema kayo wag kayong mag dalawang isip na tumawag." Nakangiting paalala ni papa, pero mababakas mo din ang lungkot sa mata nito. Papano, ang tatlong anak niya ay aalis. Wala ng magulo at maingay sa bahay.

"Opo dad. Wag kayong mag alala. Uuwi kami dito kada walang pasok." Ani cross at niyakap si papa.

"Kayo din po, wag na wag niyong papabayaan sarili niyo." Si black at niyakap din ito.

"We will tito. Don't worry about us." Si lance kay papa at niyakap niya din ito.

Hindi ko na nasundan ang pagpapa alam nila kay sherly at sydney ng yakapin din ako ni papa ng mahigpit.

Hindi ko mapigilan na hindi mapaluha, nalulungkot talaga ako. "E-rpats kung maka yakap akala mo sa ibang bansa na kami pupunta e. Sa manila lang po." Natatawang sabi ko at pinunasan ang luha ko.

"Alam kong matapang kang bata Amethyst, kaya nasisigurado kong makakayanan mo din don tumira kahit wala kami sa tabi mo ng mama mo." Aniya at hinalikan ang ulo ko.

"Sige na paps. Alis na kami, tama na drama baka pag iwanan na kami ng eroplano namin." Pabirong sagot ko at hinalikan din siya sa pisnge.

Nagpaalam na kaming lahat bago pa mag iyakan don, si sherly naman hindi matigil tigil sa pag picture. I se-send daw niya sa mga amega niya. Ganyan yan e, feeling bagets. Minsan ko na nga rin siyang nahuli sa kwarto nito na nakikipag video call sa isang amirekano, at ng tanungin ko kung sino. Boyfriend niya daw.

Hindi naman nag tagal ay nakapasok na kami sa eroplano, ang mga ugok kong kapatid selfie naman ng selfie.

Lumipas ang oras at ng makarating kami sa manila ay may nag aabang ng sasakyan para sa'min na isang van din. Ang driver nadin ang naglagay ng mga gamit namin.

"Magpahinga muna kayo pagdating natin sa bahay, naka handa narin don ang kwarto niyo. Aasikasuhin ko lang ang mga papers nila seth at lance kasi ngayon dadating galing states." Tumango kami dahil sa sinabi ni tita pia.

Habang umaandar ang sasakyan ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Last na punta ko dito noong 15 years old pa ako, at hanggang ngayon ay hindi ko parin mapigilan na hindi humanga. Oo nga at shudad din sa cabanatuan pero iba kasi talaga dito e. Lahat nandito, ang mga mistulang higanteng building ay makikita mo dito, mga naglalaking mall at iba pang gusali.

Nag stop over muna kami sa isang restaurant para kumain, pagkatapos kumain balik na naman ulit kami sa pag byabyahe. Si cross at lance ay busy sa kanilang cellphone, si seth nakikinig ng music habang naka headphones, si black naman ay knockout at si tita pia naman ay busy sa katawagan niya.

Nang makapasok kami sa subdivision nila tita pia ay ginising ko na si black.

"Hoy gising na! Tulo na laway mo oh." Ani ko sabay yugyog sa kanya. Tamang tama naman ang paggising niya ng pumasok na ang van sa bahay ni tita pia.

Pinagbuksan kami ng driver ng huminto ito sa tapat ng bahay. May dalawang katulong din ang naghakot ng mga gamit namin.

"Wow!" Bulaslas ng tanga kong kapatid na si cross habang nakatingin sa tatlong palapag na bahay ni tita pia. "Ibang iba na sa huling pagpunta namin dito tita ah. Dami na palang nag bago." Dagdag nito

Can't Fight His Feelings (Sebastian Series #2)  Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu