Chapter 7

428 21 0
                                    

Chapter 7: Tulips

Amethyst POV

"Tita Fatty..." Mahinang sambit ko nang makita si tita fatty, as usual kasama nito ang anak niyang lalaki at may isa pa silang kasama na kamukhang kamukha din ng anak niya. Hindi kaya anak niya din 'to?

Ang gagandang lahi.

Agad lumapit sa'kin si tita fatty at hinalikan ako sa pisnge, nahiya naman daw ang balat ko sa lambot ng labi niya. Ang bango bango niya din.

"What are you doing here? Why are you wearing business attire?" Tanong nito habang tinitignan ang kabuoan kong kasuotan.

Ipinakita ko sa kanya ang hawak kong bulaklak.

"I need to sell this flower tita. This is our final exam in Professional Salesmanship subject."

"Oh. Buy the way this is my husband. Ashton H. Sebastian." Mabilis inilahad ng asawa ni tita fatty ang kamay niya sa'kin at agad ko naman itong inabot at ngumiti sa kanya. Ang lambot ng kamay mga friend! Mga mayayaman talaga. Hindi katulad nina sherly at sydney na nag fe-feeling lang.

"Hi, nice to meet you. You can call me tito ashton." Ay ang ganda din ng boses! Nahiya naman daw ako sa boses ng mga hinayupak kong mga kapatid.

"Hello po. Nice to meet you din po, I am Amethyst Chandelle D. Gomez."

"What a nice name." He said and smiled at me.

Ikwenento ni tita fatty kung papano kami nagkakilala. Napatingin ako sa anak nilang nananatiling tahimik habang tinitignan ako ng masama. Umiigting ang panga nito at masama ang tingin sa suot ko. Eh? Anong problema ng mokong na 'to?

Biglang tumunog ang cellphone ni tito ashton kung kaya't nag paalam ito saglit para sagutin ang tawag. Maya maya pa lumapit ito sa'min at sinabing may kailangan silang asikasuhin.

"I'm really sorry Amethyst, I can't entertain you right now. My husband and I are really need to go." Malungkot na sabi nito at hinawakan ang kamay ko.

"It's okay tita. Naiintindihan ko po." Tumingin siya sa anak niya at hinalikan sa pisnge.

"Son, please entertain Amethyst and buy that flower. Be good at her okay? May kailangan lang kaming asikasuhin ng daddy mo bago kami umalis dito."

"Yes mom. Mag iingat po kayo."

"Spyke son, we need to talk later." Seryosong sabi ni tito Ashton at tinapik sa balikat ang anak niya.

"Okay dad." Humingi muna ng pasensya si tita fatty at nag paalam na silang dalawa sa'min.

Nang makaalis silang dalawa ay agad naman akong tinignan ng masama ni Spyke at tumalikod.

"Follow me." Naguguluhan man ay hindi na ako nag reklamo at mabilis na sumunod sakanya.

Pumasok kami sa elevator na may nakalagay sa itaas na For Sebastian Family Only.

Napasinghap ako ng sumira ang pinto ng elevator at pinindot nito ang pinakamataas na numero. Ibig sabihin pupunta kami sa pinakamataas na floor ng Hotel na'to.

Habang pataas ng pataas ang elevator ay hindi ko maiwasan na mapatingin sa seryosong mukha ni Spyke. Napaka tangkad nito.

"Stop staring at me." Agad naman akong umiwas ng tingin. Nakakahiya! Ano ka ba naman Amethyst! Wag kang magpapadala sa mukha niya! Gwapo lang yan. Wag marupok!

"Bakit bawal ba? At bakit ba kailangan pa nating pumunta sa last floor?"

"Silly! Of course you need to sell me your product. Alangan naman na doon tayo sa baba."

Can't Fight His Feelings (Sebastian Series #2)  Where stories live. Discover now