Chapter 24

408 21 1
                                    

Chapter 24: King University

Hindi ko mapigilan na ngumiti ng makita ko ang repleksyon ko sa salamin. Ngayon ang unang araw na papasok na kami sa King University, at oo naka pasa ako sa entrance exam. Hindi man kasing taas ang score na nakuha ko kompara sa apat ay masaya na ako. Akalain mo 'yon? Swinerte ako? 'Yon ngalang ako talaga ang pinaka huling natapos dahil halos dumugo na utak ko sa mga questions. Ang hirap putcha! Akala ko simpleng multiple choice lang pero shet may mga case analysis pang nalalaman chuchu dun.

Inis na inis na nga sa'kin ang apat ng makalabas ako ng testing room nun dahil napakatagal ko daw. Kasalanan ko bang maging bobo?

Naalala ko pa ang email na natanggap ko ng makapasa ako sa entrance exam.

Dear: Amethyst Chandelle D. Gomez

Congratulations!

I am delighted to welcome you to King University! Out of the thousands who took the entrance exam, you made this far.

It is an exciting time to grow with us as we continue pushing the boundaries excellence. This is the only private university to only accept students with brains and those from good families and conductive learning. It also ranked in the times higher education world university rankings.

Pagkatapos lumabas ng list na nakapasa sa entarance exam nag enroll agad kaming lima. Nag try out din silang apat, si cross at lance sa basketball habang sa football naman sina seth at black. At dahil nga talented ang apat mabilis silang nakapasok, dakilang varsity players na agad sila. Ang advantages pa dun, kapag varsity players ka half nalang ng tuition fees ang babayaran mo. Sayang nga e, hindi ako nakapag try out sa basketball women kasi masyadong conflict ang schedules ko. Siguro next year nalang. Madami pa namang pagkakataon.

Nang nilibot namin nun ang KU hindi ko talaga mapigilan na hindi humanga. Sobrang lapad at ang laki! Ang ganda ganda pa! Shet alam mo 'yun? Halos mangiyak ngiyak ako kasi mas malaki pa main field nila kaysa sa dati kong eskwelahan? May escalator at elevator pa mga momshie! At nung pumasok ako sa comfort room may aircon pa! Ang gara talaga as in. May malaking simbahan din pala sila sa loob ng campus. Hanggang sa college building lang kami nag ikot ikot dahil sobrang layo na ng elementary, highschool at senior high building. Kung gusto mong pumunta dun kailangan mo talagang sumakay ng taxi, at oo may taxi sa loob ng campus nila! Ang lawak kasi talaga as in. May sarili sariling swimming pool din ang kada department, like college department, high school, at senior high. Iba pa ang main swimming pool. Ganun din sa cafeteria. Ang sosyal ng KU as in. Feel ko nga parang 'di ako belong dun e. Alam mo 'yon? Napaghahalataan mo talagang para lang 'yun sa mga mayayaman at makapangyarihan estudyante. Kung 'di dahil kay tita pia paniguradong hinding hindi ako makakatapak sa KU.

Umikot ikot ako sa harap ng salamin habang tinitignan ang uniform ko. Maiksing palda na kulay dark blue, tack in na blouse na kulay puti, sa gilid ng collar ay may line na kulay dark blue, may malaking ribbon din na kulay dark blue at pinatungan ito ng coat na kulay dark blue at sa right side nun ay may logo ng KU. Required din na dapat ang school shoes mo 3 inches and above ang takong. Syempre may id din kami at name plate.

Nagulat ako ng buksan ni black ang tintuan ko. "Hoy! Baba na!"

"Ay tangi-- pucha naman black e!" Mabilis kong binato ang suklay na hawak ko sa kanya at ang ugok tawa naman ng tawa.

Kinuha ko ang bag ko at sabay kaming bumaba ni black. Bagay na bagay din ang unipormeng suot nito. Pareho lang naman ang design ng uniform namin, wala naman pinagkaiba maliban nalang syempre sa palda at ribbon! 'Yong sa kanila syempre slacks at necktie na dark blue.

"Ang ganda naman ng baby girl namin." Nakangiting sabi ni cross ng makapasok kami ni black sa dinning room. Nandun na silang tatlo at nagsisimula ng kumain.

Can't Fight His Feelings (Sebastian Series #2)  Where stories live. Discover now